CHLOE'S INBOX
Relationships Are For Two
April 12, 2016
-


Hi, DJ Chloe!
I’m Babee. May isa (1) po akong anak. Meron po akong live-in partner and he is not the biological father of my child. Hindi po kami mag-kasama dahil andito po ako sa province namin at andyan po siya sa Manila. Last March 17, 2016 po ay nakipaghiwalay siya sakin dahil napagod na daw siyang umintindi sa akin at hindi na raw niya ako mahal, hindi raw niya alam bakit biglang nawala. That same day po nung gabi, may na-wrongsend siya na text message “(name of a girl), nagkanet na! Chat na. Hahaha“ at nakita ko po na online nga siya sa facebook. Hindi ko rin po alam kung bakit hindi ko po pinansin yung message na yun. April 3, 2016, nabalitaan ko po sa sister-in-law niya na may pumunta na girl sa bahay nila at girlfriend daw po niya. I was shocked that time and hindi ako makapaniwala. Yung girlfriend po niya ay pinsan ng hipag niya. Hindi ko na po siya tinawagan at tinanong tungkol dun dahil simula ng nakipaghiwalay siya, tumatawag siya minsan at makikipag-usap sa bata ng sandali lang. April 4 po tumawag siya sakin dahil siguro pakiramdam niya alam ko na yung balita. Cinonfirm po niya sakin na totoo yun. Mula po ng time na sinabi niya na ganun na, mas may time na po siya magtext sakin at tumatawag pa po at mangangamusta sa bata which is hindi dapat. Until last night, tumawag siya at kinausap ko siya. I asked him about the girl, sabi po niya mahal niya at masaya siya dahil andiyan yung girl. Like literally.
Nalaman ko rin po na 3 days and 3 nights natulog yung girl doon sa kwarto ng hipag niya, sa bahay nila. On the other hand, nung tinanong ko siya if hindi na niya kami mahal ng bata sinagot po niya ako na kahit kailan hindi nawala yung pagmamahal niya sa amin, naguguluhan lang daw siya nung nasabi niyang di na niya ako mahal. DJ Chloe, ipaglalaban ko pa po ba yung pagmamahal ko sa kanya sa kabila ng nangyari? Aasa pa ba ako sa sinabi niya na hindi naman nawala yung pagmamahal niya sa amin at later on magkakabalikan kami? Ano po ang kelangan kong gawin ngayon? Sana po matulungan niyo ako. Maraming salamat po.
Babee
Dear Babee,
So habang lost I space ang drama niya or torn between two lovers, eh ikaw naman nagpaplanong magcamping para antayin siya? Tao ka hindi upuan, okay?
If he is torn between you and the other woman by all means give him away! In the first place, you should be thankful because this happened na hindi pa kayo kasal. Ano ‘yun may nakilala lang siyang iba biglang hindi ka na niya mahal?
Hayaan mo siya. Let him be and let him go.
Now what you need to do is be thankful that you have seen his true colors as early as now and stop communicating with him. Don’t talk to him anymore because you can’t be friends with someone who has betrayed you and left you for someone else.
Wala kang dapat ipaglaban dahil nu’ng iniwan ka niya ipinatalo ka na niya.
Don’t worry, now you have all the time to focus on yourself and your child and be the best version of yourself.
Sincerely,
-
COMMENTS














