CHLOE'S INBOX
Revenge Doesn’t Guarantee Freedom
July 13, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Gusto ko po sana i-reveal yung secret ko na ngayon ay hindi na siya magiging secret. For the first time, I cheated on my husband. I had a one night stand sa isang kaibigan, hindi dahil sa nangangati ako o inlove ako sa guy, no.
Galit ako sa asawa ko, bukod sa sobrang Mama’s boy niya, ang laki ng pinagbago niya mula ng magka-anak kami and when he got promoted sa company, puro na lang sya gimmick, nakikisama lang daw siya. Minsan uuwi nalang siya para maligo at mag suot ng bagong uniform, tapos aalis na. Worst is, huling-huli ko na na may affair siya sa ka-officemate niya based sa text messaging nila and pictures na super deny pa sya. Pero I keep on holding on dahil sa anak ko. Kaya ko makipag hiwalay, kaya kong buhayin ang anak ko, pero hindi ko kaya masaktan siya, na mawawalan siya ng ama. He is only 5 years old. Wala ako sinasabihan sa problem ko, lalo sa parents ko dahil nahihiya ako.
Sa sobrang galit, ang gusto ko na lang gumanti, para even nalang. Kinalimutan ko nalang yung respeto sa kanya, at sa sarili ko. As kung uulitin ko pa yung ginawa ko, hindi na. Gusto ko lang ma-feel na kaya ko din siyang lokohin. I know it’s wrong but I’m not sorry for what I did.Karelle
Dear Karelle,
So what do you need? Advice or approval? Alam mo hija, you can’t correct a wrong by another wrong. J Hahaha. In tagalog, ‘di pwedeng itama ng isa pang mali ang mali.Parang sinasabi mo sakin na whatever he can do, you can also do, and that you can do better? True, but at the end of the day, it will make you feel bad eventually. Para mo lang dinumihan sarili mo. When what you should have done is to keep yourself pure, pero nangyari na eh…
I really hope na hindi mo na nga ulitin, kasi baka mawili ka sa kaka-higanti mo sa kanya. Ikaw naman mapapasama dahil nalulong ka na sa ganyang gawain.
Hindi na daw uso ang martir ngayon, at kung sasabihin mo na para sa anak mo, baka hindi ka pasalamatan ng anak mo pag sinumbat mo ‘yan sa kanya. Na kaya naging miserable ay dahil sa kanya, para buo ang pamilya.
Neng, ang ina at anak ay pamilya pa rin. Family comes in different forms. Pag hindi mo na kaya ang ginagawang disrespect sa’yo ng asawa mo, then get out of the marriage. That is more understandable, justifiable, than staying in a marriage pero hindi ninyo naman na ginagalang ang marriage vows niyo.
It doesn’t make you a hero if you’re staying in a loveless marriage, in a toxic relationship because of your child. Believe me, it doesn’t.
Life is always a choice. So, don’t tell me your husband made you, your husband pushed you, to decide to go to bed with your husband’s friend so you can take revenge.
That’s BS at its finest.
-
COMMENTS















