CHLOE'S INBOX
Seek What’s Right Even If It Hurts
January 25, 2017
-


Hi DJ Chloe!
Please don’t mention my name anymore, thank you. I’m listening to your program right now. Easy Rock lang kasi favorite kong FM station pati dito sa work ko. Yesterday, January 24 narinig ko ‘yung binasa mong letter at sobrang natouch ako sa advice mo dun sa sender kahapon. I’m sailing on the same boat as hers. Although naiiba ‘yung mga sitwasyon namin but just the same, we are, or we were in the same kind of relationship na kailanman hindi pwedeng maipagmalaki o ipaglaban, why? Because we are both married. Totoo ‘yung sabi mo, may mga pagkakataon na we fall in love to the wrong person, and at the wrong time.
I’m married, sad to say, unhappy ako sa buhay ko dahil hanggang ngayon may hinahanap ako na hindi ko makita at maramdaman sa husband ko at alam niya ‘yun. Being married for 17 years hindi ko nasabi sa kanya even once na mahal ko siya. Ganun pa man, marami ding mga problema at sitwasyon sa pagsasama namin na lalong nagpalayo sa loob ko sa kanya, but I stayed with him dahil may mga anak kami. There were times noon na gusto ko nang humiwalay sa kanya pero hindi nangyari dahil nagkasakit kami pareho and we need to stay with each other. In 2010, at dahil sa technology (Facebook, etc.) I met my first love after 24 years. I was so happy, hindi ko maipaliwanag ‘yung naramdaman ko. Since that very moment we said hello again, my vague world was painted with colors. Two years ago, nagmeet kami personally, we were both crying because we missed each other that much and we were so happy na mayakap ulit ang isa’t-isa. DJ Chloe, sa mga sandaling ‘yun, nagkaroon ng sagot ‘yung maraming tanong sa buhay ko at naramdaman at natagpuan ko ‘yung feeling na matagal kong hinanap. Sa sandaling kasama ko siya, nawala lahat ng sakit, I felt joy, love and peace, na kahit kailan hindi ko naramdaman sa buhay ko, sa kabila ng mga bagay na meron ako, money, successful career, everything. Alam namin na mahal pa rin namin ang isa’t-isa, hindi nawala ‘yung love, care, at concern namin for each other. Araw-araw we exchange messages, text, or sometimes call, and we tell each other every day just how much we love each other all these years. To be fair sa mga pamilya namin, we kept distance, and stayed clean and faithful to our spouses. For seven years kahit magkalayo kami at hindi nagkikita pinaparamdam namin kung gaano kaimportante kami sa isa’t-isa.
Sa nakalipas na pitong taon, naayos ko ‘yung buhay ko, gumaan ang lahat sa buhay ko at pakiramdam ko everyday dahil inspired ako at deep inside masaya dahil alam ko na hanggang ngayon we have each other. Ngayon, DJ Chloe, natatakot ako na paano kung isang araw mawala siya ulit. Minsan last year nabasa ng wife niya ‘yung message ko. Naturally, I got nasty and foul messages from her but it’s okay with me naintindihan ko naman. I’m just so scared na mangyari ‘yung kinatatakutan ko na mawala siya ulit. I love him more, so much more than I have before. Kung bakit ako strong, optimistic, at happy, dahil ‘yun sa kanya.
Na-touch ako sa advice mo dun sa lady kahapon, January 24, parang para sa akin din ‘yun. Masakit isipin na isang araw mawawala na ulit siya sa akin. Hindi ko kaya ‘yun.
Pero gaya ng sabi mo kahapon, I pray na sana isang araw mabago din lahat ng nararamdaman ko, na ilagay kami kung saan kami nararapat.
At kasama din sa prayers ko na sana isang araw maging masaya din kami sa piling ng aming pamilya.
Miss N
Hi, Miss N!
Sabi nga, ‘di ba nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
It’s good that you are still on your senses. You know you’re doing something wrong and you’re doing something about it, itama ang alam mong mali kumbaga.
Manalangin ka palagi that God works on your marriage and restore it. He will because He is the Great Restorer.
Pero kailangan mo rin gawin ang part mo at mahirap ‘yun. Kasi kailangan mong itigil ang ginagawa mo. Kailangan mo siyang tigilang kausapin at literal na hindi na kumontak pa in any form sa kanya.
Mahirap ‘yun. Pero magagawa mo kung gusto mo talaga.
I understand the love and all the feelings you once again felt. But it’s too late. You both don’t have any right anymore to do something about it.
Kaya minsan mas maganda na ‘wag na lang nating bigyan sana ng pagkakataong makapasok pa ang ano mang tukso sa buhay natin. It all begins with a simple chat. The next thing you know, the chat ended up into seeing each other, and then the rest is hell waiting to happen .
So while you still can, ‘wag mo ng ituloy pa kahit anong ganda at sarap ng pakiramdam mo kapag kausap mo siya. You both may understand what you both have but not your spouse, especially his wife.


-
COMMENTS














