Stop being a fool
X

CHLOE'S INBOX

Stop being a fool

May 23, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---STOP-BEING-A-FOOL

    Hi DJ Chloe!

    I’ve been a fan of yours ever since. I love listening to your station and even following your posts. I am really hesitant to send you a message but since wala na ako matakbuhan, naglakas loob ako magmessage sa’yo. I am in a relationship for four (4) years, siya ang first boyfriend ko. Married but single dad na ‘yung boyfriend ko, he’s with his child and unfortunately meron pa siya kalive-in partner and meron din silang anak. I know ‘yung situation na pinasok ko. But he’s fighting for our relationship. Gustong-gusto ko na siya hiwalayan and ilang beses na din ako nakipagbreak sa kanya kasi gusto ko na itama ‘yung mali namin, pero ayaw niya ako i-let go. Sobra siyang nagmamakaaawa na ‘wag ko siyang iwan. Ramdam ko how he loves me, sobra siyang maalaga, binibigay niya lahat ng gusto ko, sobra niyang bait and he says baka ako na daw ang karma niya ‘coz he doesn’t wanna let me go unlike his past relationships. But DJ, ‘di ko na ma-take ‘yung ganitong setup, parang nagde-demand na ‘ko to be his priority which is hindi dapat kasi meron na siya kids, gusto ko siya lagi kasama, which is hindi pwede kasi tumatakas lang siya sa live-in partner niya. In addition to that, nakikisama na lang siya sa live-in partner niya for the sake of his kids kasi ayaw niya mahiwalay sa mga bata. Hanggang ngayon, kahit anong gawin ko, sobrang nangungulit pa din siya na ‘wag ko siya iwan, nagguilty naman ako kasi every time na nag-aaway kami nade-depress siya to the point na malapit na siya atakihin sa puso, which is ayoko mangyari na ako pa magiging reason kung bakit mangyayari ‘yun. Hope you can help me, DJ Chloe. More power to you!

    Miss F

    Hi Miss F,

    You believe that? He is just staying with the live-in partner because of the kids? You know, stories like you’re into are very common. In fact, kahit sa TV, sa YouTube, manood ka ng mga talk show, umaabot sa pahiyaan sa national TV ang mga ganitong sitwasyon. I understand gusto mo nang itama ang mali and on that I commend you, pero sa totoo lang, hindi ka makahiwalay kasi ‘di mo talaga kayang gawin. You know why? Kasi gusto mo talaga siya, kasi mahal mo talaga ‘yung tao. Kung ‘di mo na ‘yan mahal kahit mangisay pa ‘yan sa harap mo. Iiwanan mo na ‘yan. I don’t know how to help you. The only help I can give is to tell you na iwanan na siya kasi may pamilya na siya at wala naman siyang planong iwanan ang pamilya niya. Para sa’yo. Akala mo lang aatakihin ‘yan sa puso, pagnawala ka, may papalit sa’yo, ‘yung tulad mo rin na willing maging number two (2).

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.