Take Care Of What Is Truly Yours
X

CHLOE'S INBOX

Take Care Of What Is Truly Yours

June 9, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---TAKE-CARE-OF-WHAT-IS-TRULY-YOURS

    Hi DJ Chloe ,

    I’m a fan and like others I want to seek for your advice. You can call me Bing I’m 26 years old and six months pregnant. Sa pagbubuntis ko po wala akong problema. Napakaresponsible po ng future husband ko sa’kin. Almost six years po kaming magboyfriend/girlfriend and January next year nakaschedule ang wedding namin. Wala po akong naging problema sa kanya. Siya ‘yung tipo ng lalaking napakaresponsible na tao, sweet, and loving person. ‘Yung tipong all in one package na. Pero last week nasira lahat ng tiwala at respeto ko sa kanya. Muntikan pa akong mahospital dahil nagbleed ako. Dahil ‘di ko napigilan ang sarili kong umiyak at mastress. Umuuwi po kasi siya sa province nila monthly dahil aside sa clinic niya dito sa Makati may clinic din at mga pasyente din siya doon sa province. At least once or twice a weeks siya nags-stay doon. Hindi lang din pagclinic ang gingawa niya doon. Dahil ‘yung bestfriend niyang congressman binigyan siya ng goverment project doon. So dahil doon alam kong super busy siya araw-araw. Kaya never ko inisip na makakagawa siya ng kalokohan pa. Eto lang pag-uwi niya galing province napansin ko ‘yung cellphone niya nakasilent. Hindi ko po ugali paki alaman ang cellphone niya dahil naniniwala ako sa privacy ng isang tao. Pero nu’ng gabi habang tulog na siya at ako gising pa rin dahil panay na ang galaw ng baby ko sa tummy ko, nakita kong panay ilaw ng cellphone niya. Nacurious po ako kaya kinuha ko. Nabigla ako dahil ang nakaappear na name sa screen is “Mi Smart” I thought the “momi” is his mom.

    So sinagot ko dahil kala ko emergncy. But when I answerd, the girl is crying saying “bakit ni text wala ka man lang. Umuwi ka lang jan ‘di ka na mkaalala. Kanina pa ‘ko tumatawag ah?” So I was really shocked, nasabi ko lang if sino siya .Nagpakilala akong asawa ako ng tintwgan niya. Then she cut the line. So ginawa ko, dahil my password ang cellphone ng boyfriend ko. I tried his birthday number and nabuksan. I called the girl using my boyfriend’s phone but she’s not answering na. I messageed the girl and told her kung ano dapat niyang malaman. Halos buong gabi akong gising kakaiyak. Wala akong natanggap na reply sa babae until morning. Around 9am doon nagising boyfriend ko at doon kami nagtalo. Todo deny siya, todo sorry lahat ata ng dapat gawin para pakalmahin ako ginawa na niya dahil dinudugo na ‘ko. He delete all the contacts of the girl in his phone. He allowed me too to talk to the girl. Pero ‘di nagsasalita ‘yung girl sa line. Hanggang sa kumalma na ako at naligo siya. Hawak-hawak ko ang cellphone niya hanngang sa may nagtxt na number and for sure it’s the girl’s number saying na “Sorry, ‘di ko alam. Ikaw kasi bakit ‘di mo ako tinext or tinawagan man lang. Wait na lang ako ng tawag mo. Dahil ‘pag ako napikon papatulan ko na ‘yan. Wala akong pakialam kung buntis pa ‘yan.” DJ Chloe, ang sakit-sakit. Doble sakit nu’ng nabasa ko nun. Pero kinalma ko sarili ko dahil naawa ako sa baby ko. Nag-usap kami ng boyfriend ko about doon sa message ng girl. Sabi niya sa’kin walang kwenta ‘yung babae. Unang-una, nakilala niya ‘yun dahil sa kaibgan niya. Alam ng girl about sa’min simula pa noon pero ‘yun daw ang mapilit. Nagkamali daw siya, alam niya. Pero ni minsan daw hindi nyia inisip na ipagpalit ako kung kanino mang babae. Lalong-lalo na daw sa ganung klaseng babae. Sa lahat ng sinabi niya, wala na ‘ko pinapaniwalaan, DJ Chloe. Nagdesisyon ako sa araw na ‘yun na makipaghiwalay na sa kanya at babalik na ‘ko sa pamilya ko. Halos umiyak na rin siya sa narinig niya sa’kin hanggang sa halos lumuhod siya sa harap ko.

    Sa harap niya din sinabi ko na hindi ako ‘yung tipong babae na magpapakatanga sa’yo. Hindi ako basta-bastang babae, ‘yung nakilala niya kung saan-saan.Buong-buo ako nu’ng nakilala nyia na ngayon sinira niya. Sobrang sakit, DJ Chloe, lalo po sa sitwasyon ko ngaun dahil buntis ako. Hindi niya ako pinaalis sa unit namin nu’ng araw na ‘yun. Siya ang umalis at umuwi sa kapatid niya. Makakasama daw sa baby namin. Kahpon nag-usap kami, humihingi siya ng second chance. Isipin ko daw po ang baby namin. Kailngan daw ng baby ng buong pamilya. Hindi daw siya papayag na masira kami. Ngayon po naguguluhan ako, nakita ko naman po ‘yung sinsiridad sa mga sinabi niya. Pero hindi ko po alam kung kaya ko pa ba magtiwala ulit at mkisama sa kanya. Sabi mo nga DJ Chloe ang tao hindi ‘yan nagbabago, tumatanda lang. Hindi pa kami kasal pero nagawa na niya lokohin ako. Gulong-gulo po ako, hindi po ako makpagshare sa family or parents ko. Alam ko pong masasaktan parents ko ‘pag nalaman nila ang nangyayari sa’kin dito. Only daughter po ako and ang laki ng respeto ng parents ko sa knya. 10 years gap namin ng boyfrined ko, DJ Chloe. Kaya ganun na lang tiwala ng parents ko sa kanya. Hope mabasa niyo po ito. Thank you and more power.

    Bing

    Dear Bing,

    So the guy’s a doctor? Anyways, tama ka. Men don’t change, they just grow old. At ‘yan ay sinabi ko na several times but  some do ‘pag may Diyos.

    If I’ll ask you, gaano ka ba katapang? Kawalan ka ba sa kanya or kawalan siya sa’yo? Magkakaanak ka na sa kanya, isang malaking sakripisyo ang gagawin mo dahil uunahin mo bilang isang nanay ang kapakanan ng anak mo. Syempre, you don’t want to deprive your child of a good father, ‘di ba?

    For now, finish and be done with pregnancy. Pangit ang sumugod sa kerida ng buntis. Maliban sa nakakaawa baka makasama sa baby. At kahit kelan naman pangit sumugod ng kerida. Not worth of your precious time. Not your level, ‘di ba?

    So tapusin ang pagbubuntis. May kapilyuhan si future husband and marrying doesn’t mean he will change. He might just stay the same specially if he is able to get away with it. Or who knows maybe magbago naman dahil magkaka-anak na at pakakasal na sa’yo. But still don’t be too sure and don’t be too confident.

    If you believe na dapat mo itong ipaglaban, go ahead. If he seems sincere give him a chance but don’t make it easy for him. And if you decide to forgive him don’t reheat his sins for breakfast anymore.

    Mahirap pero bilang isang nalalapit ng maging may-bahay or asawa, isa lang ‘to sa marami pang pagsubok na pagdadaanan mo or susubok sa tibay mo or ninyong dalawa.

    Give the other woman a good fight. Sama ka lagi sa asawa mo saang lupalop man siya magpunta para mag clinic. Minsan ang alam nating sa atin kailangan din nating bantayan. Marmaing asong gutom sa paligid. Malingat ka lang wala na ang pagkain mo, ‘di ba?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.