Temporary Happiness Will Never Be Worth It
X

CHLOE'S INBOX

Temporary Happiness Will Never Be Worth It

December 12, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-temporary-happiness-will-never-be-worth-it

    Hi, DJ Chloe!

    I’m one of your avid fans. Habit ko na ang magbasa ng Chloe’s Inbox because I find your advices amazing. Just call me Sweetie. I’m 30years old and I have a five-year old son. Married naman po ako sa father ng anak ko pero never ko dineclare at never ako nagpachange status dahil alam ko namang maghihiwalay din kami. Year 2014 nang sumobra na siya sa pagiging addict and I made a decision na hiwalayan na siya since wala namang mawawala sa’kin dahil ever since din ay ako na ang nagwo-work para sa amin. Then that same year I met my first great love. 16 years old po ako nu’ng maging kami at sobrang lunod talaga kami noon sa pagmamahal. Four years tumagal ang relationship namin at hindi ko po talaga ma-explain kung gaano namin kamahal noon ang isa’t isa. Pero nagising na lang ako isang araw na di ko na siya mahal. Kaya kami nagkahiwalay. Almost eight years na kaming hiwalay at nagkaron na ng mga sariling pamilya. Then we met again, then boom!!! Biglang bumalik lahat ng nakaraan.

    To make the story short, naging kami po ulit at hinarap namin lahat-lahat ng magiging epekto ng pagkakabalikan namin. Magkapit-bahay lang po kami sa province at alam ng buong baranggay na nagkabalikan kami. Galit na galit ang conservative parents ko pati na din ang angkan niya to the point na pinabaranggay pa ‘ko. Pero ‘di kami natinag. At ngayon po I’m 32 weeks pregnant. Sobrang saya po namin dahil matagal na naming pangarap ‘to. ‘Yun nga lang illegal ang relationship namin. At alam na din ng buong sambayanan na magkaka-anak na kami ni first love. Nagpost kasi ako sa Facebook nu’ng Thursday. Gusto ko na kasi ipagsigawan eh. Ngayon po medyo natatakot ako sa epekto dahil pwede na kami mareklamo. Can you give me an advice, DJ Chloe. Thank you!

     

    Hi, Sweetie!

    Advice or approval?

    You said illegal. Meaning may asawa pa si first love? Hindi hiwalay? At lalong hindi annulled?

    Mahirap nga ‘yan and valid ang fear mo when you posted about you being pregnant.

    As if hindi pa enough na alam na ng buong baranggay, ano? At kailangan pa nating ipost? Pagalitan kita ng konti ha, bad ka!

    But anyways, tama ka. P’wede ka ireklamo. ‘Di man kayo mapaghiwalay, then just be ready for constant and lingering trouble every now and then.

    I can understand how happy you are about this relationship but in your happiness some people are suffering–the wife, his  kids. Please be decent enough to know when and how to draw the line on yourself.

    Tell you what, temporary happiness isn’t worth long term pain.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.