CHLOE'S INBOX
The Question Is: What Are You Doing?
October 9, 2017
-


I would like to ask for your advice, DJ Chloe. Nakapagpadala na ako sa’yo before and I love your advice and the avid listeners advices too. But now, DJ Chloe, hindi love life ang ia-ask ko ng advice sa’yo. My husband and I went to his cousin’s birthday and nadatnan namin dun ang pinsan nila na galing abroad. Nandun din mga ibang pinsan pa nila. ‘Yung pinsan po ni hubby na may birthday ang siyang nag aalaga sa two girls ages 14 and 12 na anak po nung galing sa abroad na pinsan nila. Then nalaman ko na ‘yung pinsan ni hubby galing abroad at isang second cousin nila ay lovers. Sinabi sa akin ng wife ni pinsan ni hubby. DJ Chloe, ang middle name ni abroad at family name ni lover pinsan niya ay pareho po. At habang nakabakasyon po si abroad ng one month ay dun siya nagstay sa pinsan niya na nag-aalaga sa mga dalagita niya kasi hiwalay naman na sila nu’ng tatay ng mga bata. Ang masaklap po dun din ni abroad pinaystay si lover pinsan kasi one month lang naman daw at balik na siya sa ibang bansa. Ang problem po ngayon ay nagsabi si 14 years old sa tita niya na nag-aalaga sa kanila na while tulog siya biglang daw siya nagising na may humihipo at lamas sa private parts niya at legs. Nang magising daw siya ay nkita niya lover pinsan ng mama niya na nagmamadali sa pag-alis sa kama nila ng sister niya. Nu’ng malaman ni tita ang sinabi nu’ng bata, sinabi niya agad kay abroad kasi nanay siya at bakit sa kanya sinabi eh nandyan naman daw siya na nanay nila. Nagalit po kami lahat kasi instead na maniwala si abroad sa anak niya eh kinampihan pa niya si lover pinsan at pinagalitan si 14 years old na baka nanaginip lang daw. Ang nangyari po ngayon ay galit ang mga bata sa mama nila at gusto pa nga ni abroad na c lover pinsan ay dun na tumira sa bahay ng pinsan niyang nag-aalaga sa mga anak niya. Hindi po pumayag si nag-aalaga kasi may two girls below 10 years pa siya. Natatakot siya para sa mga anak niya. DJ Chloe, galit ang buong angkan na magkarelasyon ang magpinsan pero hindi po nila alam na may nangyaring ganun sa bata. Kami ni hubby at pinsan niya at asawa na nag-aalaga dun sa mga bata lang po ang nakakaalam sa ganung horrific event na ‘yun. Ayaw ko naman po pangunahan kasi po ‘di naman ako direktang kamag-anak, kami nu’ng asawa ni pinsan ni hubby. Nasa abroad na ulit yung nanay pero traumatized ang bata. Ano po gagawin ko? Please hide my identity po and sorry napahaba ang story ko.
Concerned Tita
Hi po! The mother is in denial and she’s truly ashamed of it kaya that’s her way of dealing with the truth. Kesyo nananaginip ang bata, kesyo gumagawa ng kwento. The truth is hung-hang na hung-hang siya sa lalaki niya. Let her be, it’s her choice. Pero kayo na nakakaalam ng totoo, if you don’t do something for the kids, para niyo na ring binigyan ng basbas yung boyfriend/pinsan ng nanay nila to do what he wants to do with the kid. ‘Wag na kayong mag-antayan pa ng gagawin at sino gagawa, kumilos na kayo, bago maging huli ang lahat. Kulang sa lunod ‘yang nanay ng mga bata, hay naku!


-
COMMENTS














