CHLOE'S INBOX
There’s No Cure For Cheating
July 31, 2017
-


Hi DJ Chloe,
First of all, thank you for your time reading my letter, and I hope & pray you can give me advice. You can post my story but please keep my name private. By the way, you can call me Annelle.
I’m 40 years old, married, but a single mom. My story started when I met this man who’s seven years younger than me. We work in the same office & we became close friends. Eventually we become lovers. At first nagustuhan ko ang pagiging thoughtful at sweet niya sa akin. And accepted niya ako na may anak na. Naglive-in kami at nabuntis. Kalaunan nakita ko ang ugali niyang happy-go-lucky, isip bata, kuripot at ‘di maalaga sa anak. Tanggap ko naman ang ugali niya kasi mahal ko siya at kahit ilang beses na kami nag-away madali naman ako nagpapasensya sa kanya. Pero nitong huli, nalaman ko na lang na meron na siyang nilalanding babae sa office. Nu’ng una ‘di ako kumibo. Pero ang hirap magkimkim, tinanong ko siya ng harapan at ayaw niya sabihin ang totoo. Natuklasan ko lang sa kotse niya ang gamit ng girl na naiwan nila. Kaya na-confirm ko na kung sino siya. Sinumbong ko sya sa ate ko at sinugod ang babae niya sa office. Kinausap niya ako at doon inamin niya na sila na nga ng girl. DJ Chloe, gumuho ang mundo ko, unang naisip ko ang anak ko sa kanya. ‘Di naman niya pababayaan ang anak niya at kahit papano magkakasama pa rin kami sa bahay ng nanay niya tuwing weekends at DJ Chloe may nangyayari pa rin sa amin at alam ko na patuloy pa rin sila nag de-date ng girlfriend niya. Mahirap mang isipin na ganyan ang situation namin. At nitong birthday ko nagtreat pa siya at nagbigay ng gift sa akin. At every weekends pinapasyal niya ang anak niya, DJ Chloe. Ano ba dapat kong gawin para ‘di na siya kumuha ng atensyon ng iba? Thank you & more power.
Annelle
Annelle,
Ang pambababae kasi ng lalaki eh desisyon at choice nila ‘yan. Maaring may mga bagay na pwede mong gawin pero kung gusto mambabae. Wala kang magagawa.
Kahit pa mag-acrobatics ka sa kama, kahit pa magpagluta ka, magpasexy at lahat, paggusto nilang mambabae, mambababae ang mga ‘yan.
Dalawang klase lang talaga ng lalaki sa mundo, isang matino, at isang hindi. ‘Yun lang.
At dalawang klase din ang babae sa mundo. Isang nagtitiis or magtitiis, at isang hindi magtitiis.
Alin ka doon?
I cannot tell you what to do. Wala ring gamot para sa pambababae.
At the end of the day, you decide, will you spend your life taking shit from him, or free yourself from the stress, the pain, the abuse, the deceit.
Ang tama kasi niyan sa’yo lahat. Siya enjoy mambabae, ‘pag ‘di pwede si babae niya, andyan ka naman. Sarap ng buhay niya ‘di ba?
Samantalang ikaw, duda ka ng duda. Ngitngit ka ng ngitngit at pangit na pangit ka na sa sarili mo sa pambababae niya.
You decide.


-
COMMENTS














