CHLOE'S INBOX
When Things Fall Into Place
September 4, 2017
-


Hi DJ Chloe,
It’s been a while. Gusto ko lang sabihin sa’yo na you were right all the time regarding my issues. Siguro kasi things happened to you earlier kesa sa akin. And I was too idealistic then to think that everything will be all right basta pag-usapan lang ang mga bagay-bagay. Gusto lang kita i-update na not in speaking terms na kami ng asawa ko since January. Sumagad sa buto ang away namin nung nalaman niya na naikwento ko sa kamag-anak niya na nambabae siya sa Dubai. For some reason, blessing in disguise pala ‘yung pagsabi ko sa kamag-anak niya dahil nagbulatlat na naman ako ng mga ebidensya at napatunayan ko na since nahuli ko syia eh hindi pa rin pala tumigil. Tuloy pa din sila ng babae niya. Hayahay na ang buhay niya sa Dubai, DJ Chloe. Nakikita ko mga posts niya at nu’ng babae at kahit hindi ko sila nakikitang magkasama sa mga pictures. Alam ko sa sarili ko na magkasama pa din sila. ‘Yan ang problem ko, DJ. I started moving on with my life by doing the things I have not done for years and pursuing my passion. I blocked both of them in social media. But there are times na hindi ko maiwasan magstalk and nasasaktan pa din ako. I know what to do. But I still am confused. Umaasa na isang araw mauntog siya. Kanina I dropped by Padre Pio realizing na I have been going to Him for almost two years na pala. Seeking and praying for the same thing… my husband. Tigas ng ulo ko. Paki untog nga din po ako.
Miss B
Hi Dear!
If I can only prescribe a pill that can help you forget and move on, I would. May alam ako. Togmolodon 500mg, take it as needed. :)
Seriously, wala namang time frame ang moving on eh. Malalaman mo na lang, magigising ka isang araw, ‘di na masakit at wala ka nang pakialam.
Mahirap lang sigurong tanggapin na ‘yung taong katabi mong sumusumpa sa harap ng altar eh nagmutate at ‘di mo na kilala ngayon. Mahirap isipin na kaya niya palang gawin ‘to sa’yo.
He has moved on. He has turned the page. I think it’s time you do the same.
You don’t have to be in a relationship too, okay? Tuloy mo lang ang ginagawa mong pagpursue sa passion mo. Get into a hobby where you widen your network. Improve yourself. Upgrade yourself and be an epic version of yourself always.
One day you will find out why things happened, why he was taken away from you.
And you will be thankful when you get to know why.
Hindi rin naman masama na ipanalangin mo siya. But maybe this time try and start praying for yourself naman. Ask God to help you understand His plans for you. And ask God to love you, and for Him to give you direction in life. Kasi puro yata asawa mo lang pinapanalangin mo that you forgot about yourself.


-
COMMENTS














