Some Things Are Unfair In Love
X

CHLOE'S INBOX

Some Things Are Unfair In Love

October 2, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SOME-THINGS-ARE-UNFAIR-IN-LOVE

    Good day DJ Chloe,

    Everyday hindi pwede mawala sa daily routine ko ang pagtune in sa station ng 96.3. ‘Pag-open ko pa lang po ng office automatic po ‘yun. Matagal ko na pong gustong humingi sa’yo ng payo kasi lahat po ng pinaapayo mo sa sender mo eh swak na swak sa opinion ko din. Anyway, DJ Chloe, I’m a working mom in the office, one daughter, grade 7 and my husband works in Qatar. Every contract po niya for two years. Nauwi naman po siya here sa Pinas para magvacation ng one month. Next year ang ika-10 years niya dun and sinabi ko po sa kanya n pag-uwi niya next year magquit na siya and dito na lang sa Pinas magwork kasi Malaki-laki din po ang makukuha niyang backpay sa company. Reason niya sa’kin dati kaya siya nag-abroad eh para sa’ming pamilya and makapag-aral ang anak namin sa private school. Until now nakaprivate ‘yung anak ko. From that start, DJ Chloe, nagta-trabho naman po ako pero contractual lang pero ngayon po ay regular na ‘ko dito sa work ko. Kaya po gusto ko nang umuwi ‘yung husband ko dito. But ang reason po niya sa’kin eh ‘di pa po tapos ang anak namin sa pag-aaral which means up to college po pala hangga’t ‘di nakakagraduate ‘yung anak namin mag-aabroad at mag-aabroad pa din po siya. I tried to talk to him na i-public na lang ang anak namin kung ganun din naman po, malaki na naman po ang daughter ko and matalino po. Sabi ko sa kanya sa college naman may mga universities na mura lang din kaya no need na siyang mag-abroad ulit. May point, DJ Chloe, is umuwi na po sya dito para magkasama-sama naman po kami kasi 10 years na po bale siyang wala sa’min. Nahihirapan ako, DJ Chloe, na ganun ‘yung thinking ko na walang pag-asang makasma namin siya ng matagal. Palagi po akong malungkot pag-uwi kasi alam ko pag-out ko wala namang asawang sasalubong sa’kin. ‘Yung magco-comfort po sa’kin. Syempre, iba pa din po ‘yung pagmamahal ng anak ko at lambing niya sa asawa ko. DJ Chloe, lately napapansin ko na mainitin na ang ulo ko po. Palagi kong inaaway ang anak ko. Lagi akong nag o-OT at madalas po akong mag hangout sa kumares ko or sa office para magpakalasing. Naiiyak ako palagi kasi parang ayaw na ng asawa kong makasama kami. May itsura naman po ako, DJ Chloe. I’m 32. Marami din po ang nagkakagusto sa’kin sa office or sa mga kakilala ng mga kaibigan ko pero ni isa hindi ko po sila pinatulan kasi mahal na mahal ko po ang asawa ko. Ni isang saglit, DJ Chloe, in nine years na nasa abroad siya walang oras na hindi ko siya naiisip. Masaya naman po kami palagi ‘pag nagva-vacation siya dito. Palagi kaming nagpaplano na magbaby na ulit kami kaso hindi naman po ako nabubuntis. Ipinatigil ko din po muna ‘yung pagpadala niya ng pera at hinamon na ipangbili po niya ng ticket pauwi dito at magresign na siya dahil sobrang miss ko na po talaga siya. Pero priority pa din po niya talaga na mag-abroad. Nahuli ko na din po siya nu’ng unang alis niya na may babae siya dun sa Qatar and inamin niya sa’kin na may nangyri din. Pero matagal na po ‘yun kaya napatawad ko na po siya. May problem is dapat pa po ba akong maghintay ng maghintay sa pag-uwi niya every contract o iwanan ko na po siya at nang makahanp po ako ng lalaking gusto po akong makasma. Please, DJ Chloe, need ko po talaga ang payo niyo kung ano po bang dapat kong gawin. I pray harder to God na mawala na ‘yung depression ko. I only need is my husband.

    Sincerely,

    Mhaldita14

    Hey, hey, hey! Sandali. ‘Wag kang padalos-dalos na hiwalay agad hangga’t ‘di mo nakakausap ng harapan ang asawa mo. I do understand you are longing for his company, for his love, pero hindi reason ‘yun para makipaghiwalay ka at maghanap ng gusto kang kasama. May anak ka, babae pa, kahit pa sanay siya na wala ang ama niya, masasanay ba siyang makisama sa iba? You know very well how crazy this world is. Sa isang single mom, sapalaran ang makakuha ka ng gusto ka talaga at tanggap ka pati ang anak mo. I feel sorry for you na ganyan ang pakiramdam mo, iba-iba lang talaga ang krus na pasanin natin sa mundo. But come to think of it, maayos namang provider ang asawa mo. Ang iba problema na ang buhayin ang pamilya mag-isa problema pa ang asawang walang kwenta. Siguro may pangarap lang si mister para sa anak niyo. Bakit ‘di na lang ganito gawin mo, patayo ka ng bahay mula sa perang pinapadala ng asawa mo o kaya magnegosyo ka ng malayo ka sa mga kumare mong lasengga. It’s very immature of you to ruin yourself, baka mas lalo ka nang hindi uwian ng asawa mo ‘pagsinira mo sarili mo. Paganda ka, use his money, be productive. Take care of your child. Give him so many reasons to come home and not reasons to never come home. Antayin mong umuwi, saka mo kausapin, pero dapat pag-uwi nya ang ganda mo at ang bango mo at ang sexy mo. Not the other way around. If it fails at ayaw talaga, then plan B, ask for annulment and secure your child’s right to be supported. ‘Wag ka na munang mag-isip ng maghanap ng iba. Kailangan maging masaya ka munang mag-isa bago ka mag hanap ng makakasama.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.