CHLOE'S INBOX
Time To Care About You
June 6, 2017
-


Hi DJ Chloe,
I am writing this now kasi I need some advice from you and your avid listeners kasi depressed ako ngayon at magulong-magulo ulo ko.
May 21, 2017 nahuli ko ang asawa ko na may textmate na 16 years old. By the way, he is 38 and I am 36. Sabi niya dun sa textmate niya na meron siyang minamahal na Abby ang pangalan at ka-pervert niya ‘yun.
Meron na syang history ng confession sa akin na meron syang ka-fling na student, nag sorry siya at pinatawad ko. By the way, librarian siya. May 22, 2017 flight namin paalis ng Manila. Nagplano kami ng ganito kasi gusto namin na makapag-ipon siya at para makapagbukod kami pagbalik namin ng anak ko sa Manila. Pero may trust issues na naman ako sa kanya kasi dun parin siya sa parents niya ngaun nakatira at hindi siya madalas magcommunicate sa amin ng anak ko. DJ Chloe, mali ba ‘yung ginawa ko na umalis sa kanila? Kasi nu’ng nandoon kami ng anak ko wala naman siyang binibigay na pera sa akin, dun niya binibigay sa nanay niya. Dapat bang bumalik na kami ng anak ko sa Manila? More power to you and thank you in advance.
Pia
Hi Pia,
Medyo naguluhan lang ako ng konti sa letter mo. So he lives with his parents? In Manila or province? And then kayo papunta ng Manila?
It seems your husband has a big problem. Librarian siya? Ng ano? Ng isang school? And he is having flings with students? Tama ba? If he gets caught, eskandalo ‘yan. Ang alam ko bawal ‘yan, lalo na at may asawa siya.
If he is here in Manila, then tama ang desisyon mo na dumito kayong mag-ina para magkakasama kayo at para naoobliga siya na magbigay sa’yo, mag intrega ng sweldo dahil ‘yun ang tama.
May history siya ng ganyang aawain, God only knows kelan ‘yan titigil. At malamang kapag nakakilala ‘yan sa Diyos. Until such time na walang Diyos sa buhay at sa puso ‘yan, walang kapaguran ‘yan sa ganyan. He will always be a pervert leading a perverted life.
And you, you can only do and take so much.
Stay with him and pray for his change, or decide to take your child with you and lead a peaceful life.
You can be one of those na okay lang sa kanila ang pambababae ng asawa nila, why not, or you can choose to have a peaceful life with your child.
-
COMMENTS














