CHLOE'S INBOX
To Love Is To Respect
May 16, 2018
-


(This is not my real account and I’m a girl)
Hi DJ Chloe,
Hide my identity as Carina. May naging classmate ako sa review center. We’re both preparing para sa board exam namin. Never kami nag-usap at nalaman ko lang name niya dahil sa mga classmates namin. Then after a year bigla kong naisp na i-search siya sa Facebook, in-add ko siya which is never ko talagang ginawang mag-add ng lalaking gusto ko. Ayoko kasi isipin na parang ako pa ang naghahabol, hehe. Aside sa gusto ko lang makita mga pictures niya, wala na akong ibang dahilan why ko siya in-add. Malakas lang loob ko na i-add siya kasi alam ko never naman na kami magkikita kasi preho na kaming nagwo-work at malabo na makasalubong ko pa siya. In short gusto ko lang siya i-stalk.
Nung in-add ko siya, in-accept niya ako at natuwa ako don, haha. Pero hindi na ako nag-expect talaga. After ilang weeks, nagmessage siya sa’kin at dun na nag-umpisa nagkakausap na kami, text, call. Tumagal mga one (1) month mahigit puro ganon lang. Lagi niya gustong magkita kami pero ayoko kasi nga parang hindi ko kaya makipagkita sa taong hindi ko naman lubos na kakilala. Nagkapalagyan kami ng loob sa isa’t-isa sa tagal na consistent kami nagkakausap. One time, nagdecide ako na magkita na kami, sinundo niya ako from work and hinatid sa’min. He insisted na ihatid ako hanggang bahay pero ayoko pero hinatid niya pa din ako malapit sa’min. Nu’ng magkasama kami parang feeling ko ang tagal na namin magkakilala. Komportable ako kasama siya.
Medyo sweet din kami noon. Holding hands ganon. Mali ba ang ganon, DJ Chloe? Oo, parang sobrang bilis pero parang komportable kasi ako sa kanya ganoon din siya. Easy-to-get na ba ako ng ganon? May standards ba na dapat sa unang kita niyo may mga requirements na dapat gawin at hindi? Dapat ba itigil ko na pakikipag-usap sa kanya kasi iisipin niya madali lang niya ako nakuha kaya madali lang din niya ako bibitawan? Feeling ko may mali kasi ang bilis namin pero minsan kasi naiisp ko, dapat ba may timeline? Please enlighten me. Hindi ko alam kung tama o mali na ba ginagawa ko. Thank you so much, DJ Chloe.
Hi Carina,
It seems naman na of age ka na and yes since of age ka na, be responsible. Baka sa sobrang tuwa mo na nagkikita na kayo makalimutan mong alamin kung married na ba or baka may girlfriend.
There is nothing wrong if you like this guy and if you made the first move. As I’ve said just be responsible lang at ‘wag masyadong magtiwala.


-
COMMENTS














