Too Long To Decide
X

CHLOE'S INBOX

Too Long To Decide

April 11, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - TOO LONG TO DECIDE

    Dear DJ Chloe,

    Naiinis ako sa best friend ko kapag nagde-deactivate siya ng account niya sa Facebook. Pero dahil nararamdaman ko ‘yung pagdurusa niya, wala akong magawa. Wish ko nga sana ako na lang makaramdam nung pain niya para hindi na siya masaktan. Broken-hearted siya, more than two years siyang niligawan nung guy at sobrang effort din yung guy sa panliligaw sa kanya. Ang problema, hindi niya gusto yung guy kahit sincere pa sa panliligaw sa kanya. Ewan ko ba kung nasulsulan lang siya ng mga officemates niya na mukha daw kasing weirdo yung guy at wag siyang papatol doon. Pero yung guy, nag-pursige pa rin sa kaniya na manligaw… Lagi rin sinasabi sa akin ni Bff na ayaw niya at lagi ako nag-aadvice na wag na niya pahirapan kung ayaw niya yung guy kasi kawawa naman o try niya bigyan ng chance at baka sakaling magustuhan niya. Binalaan ko siya na baka dumating yung time na mainlove sya tapos ayaw na nung guy sa kaniya.

    Unfortunately, nangyari po yung babala ko. Kung kailan po nagsawa na yung guy na mag-pakita ng effort sa kaniya, saka siya na-inlove! At ang tindi po ng pagkahulog nya. May girlfriend po yung guy ngayon at masaya sila at parang pinapakita sa kaniya nung guy kung gaano siya kasaya ngayon sa bago niyang girlfriend. Naaawa ako sa bestfriend ko sinasabi ko sa kaniya yung totoo kahit masakit tapos para hindi niya maramdaman yung pain, magdedeactivate sya ng facebook account. Gusto ko pakawalan niya na sarili nya, huwag na siyang umasa. Kaso nararamdaman ko rin na nahihirapan siya at hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan. Madalas ko siya tina-tag sa kung saan-saang post sa facebook na makaka-relate siya para magising siya sa katotohanan at mabawasan yung pain niya. Sana mapayuhan niyo din po sya, DJ Chloe. Salamat po! At magkahawig po kayo ng bestfriend ko DJ Chloe.

    BFF

    Dear BFF,

    ‘Yang mga wait for two years or more, panahon pa ‘yan ng mga lola natin. These days paggusto mo after months of dating, go. If not, after a week of entertaining at ‘di mo gusto, basted na. Minsan nga araw lang p’wede mo na sabihan if you don’t feel anything for the guy talaga. Ito namang kaibigan mo nag-enjoy magpower trip! Ano akala niya, siya lang ang mahaba ang buhok? Oh, eh ‘di ngaun nga-ngey? You tell her wala siyang karapatan masaktan dahil unang-una hindi naging sila. Pangalawa, niligawan siya aayaw-ayaw siya. Nu’ng nakakita ng iba at inayawan siya, eh magda-drama siya? Por dyos por santo, grow up! And just deal with it! Matagal ng hindi uso si Maria Clara! Napakahirap pa naman makahanap ng lalaking kayang magtyaga ng dalawang taon! Masyado namang pabebe ‘yang kaibigan mo!

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.