CHLOE'S INBOX
Toxic relationships are toxic!
December 6, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Second letter ko na sa’yo this time.
Pero the first one na sinend ko sa’yo three (3) years ago eh not about me. This time for myself na ang ihihingi ko ng advice sa’yo. May kalive in ako for almost nine (9) years. 11 na kami kung kasama ‘yung magboyfriend-girlfriend pa lang kami. To make it short, may anak kami, girl, eight (8) years old na siya. Mula nu’ng nagsama kami madalas hindi talaga siya umuuwi ng maaga. Kadalasan sa inuman siya palagi. Pinagbigyan ko siya kasi iniisip ko siguro hinahanap-hanp niya ‘yun kasi bata pa kami nu’ng nagsama kami. Kaka-20 pa lang niya nun and ako mag-22 na that time. Nagslow down lang siya pagginigera ko na siya. Hindi ako nagger na asawa. As much as possible ayoko ng nagsasalita. ‘Pag galit ako, sa’kin lang. Malalaman niya na galit ako kasi hindi ko talaga siya kinakausap. Kung baga silent war kami madalas kasi kahit siya ayaw niya rin ng madaming sinasabi. This month we decided na magpakasal na this December. At kung kailan naman baka set na ang lahat, saka naman siya parang hindi ko maintindihan kung nanadya ba or what. Nakapag-usap na kami dati at sinabihan ko siya na ‘pag hindi pa siya tumigil ng kakatambay at ubos-oras sa mga kabarkada niya, sabi ko sa kanya uuwi na kami ng anak niya sa probinsya. Doon na lang kami at siya magpadala na lang siya ng pera para sa amin at kung gusto niya kami bisitahin puntahan niya kami doon. ‘Yun ang sinabi ko kasi halos uuwi na lang siya para matulog and pagkagising niya liligo, mgbibihis then aalis na ulit ng bahay. Ang ank niya pagkalabas sa school ang palaging tanong sa’kin, “Ma, uuwi kaya ng maaga c papa?” Ewan lang ang sagot ko sa anak namin. Kinakausap ko siya at susunod naman siya 3-5 days lang and then balik na ulit sa buhay na parang walang naghihintay at walang pamilyang uuwian. Nakakalungkot talaga, DJ Chloe. Hindi ko maexplain kung gaano kasakit at gaano kalungkot ‘yung buhay ko araw-araw. ‘Yung anak lang namin ang nagpapatibay samin. Sabi niya kami lang daw ang gusto niya makasama. Pero iba naman ipinararamdam niya. Haist. Hindi ko alam. Nahihirapan ako pero iniisip ko na lang siguro talaga minsan kailangan may magsakripisyo para sa pamilya. Ano kaya pwede ko pang gawin?
Hi girl!!
Tama ka naman. P’wedeng may magsakripisyo… para sa anak, para buo. Pero hanggang kailan? ‘Di mo ba alam ang stress na idinudulot sa’yo sa pagtyaga mo sa ganyang tao eh eventually sakit ang kahahantungan mo? At kelan magbabago itong lalaking ito? Kapag ubos na sustansya sa katawan mo? Sus, I feel you. Ganyan ang buhay na nilayasan ko. Oh eto, mas may napala ako ng pinili ko sarili ko. ‘Wag kang matakot na isipin ang sarili mo. Nine (9) years is too long waiting for a person to change. If you want to spend your forever waiting in vain, it’s all up to you. Madalas kaya ganyan ang mga ‘yan kasi ang iniisip lagi niyan ‘di mo sila kakayaning iwanan. Maybe, hindi nga. Lalo kung asa ka sa kanila, ‘yung siya lang ang may boses kasi alam niya na ‘di mo kaya dahil wala kang trabaho at nakadepende sa kanya. Kaya start thinking hard for yourself right now, and for your daughter. Isa lang naman yata ‘di ba? Sus, kayang-kaya mong buhayin ‘yan kahit sa pa. Two (2) gives, two (2) gives na raket lang! Or… stay with him and endure and just shut up and close your eyes to reality. Life is always a choice, my dear. Stress and toxic relationships can make you sick. Eventually. Siguro nga, nananadya. Maybe doing his last hooray kasi ikakasal na but por dyos por santo, 20 years old pa kamo ganyan na siya hanggang umabot kayo ng nine (9) years, ‘di ba? ‘Di pa sawa? Pano pag ‘di pa ‘yan last hooray? Pano kapag for life? Baka hindi naman, baka magbago naman. BAKA. Your life, your choice. ‘Wag ka mang hinayang sa kasal, mas mahirap lumabas pag kasal na, magastos.


-
COMMENTS














