True Meaning Of Friendship
X

CHLOE'S INBOX

True Meaning Of Friendship

August 29, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---TRUE-MEANING-OF-FRIENDSHIP

    Good morning, DJ Chloe. Just call me LJ.

    Pasensya ka na kung napakaaga ko pang magmessage sa’yo. Kasi kagabi pa ako ‘di makatulog sa kaiisip kung tama ba ang ginawa ng kaibigan ko na pagpapanggap at pagsisinungaling sa amin para lang makahanap siya ng madaming kaibigan.

    Ganito kasi ‘yan DJ, apat kaming magkakaibigang mortal dalawa kaming babae at dalawa din ang lalaki. Lahat kami may mga pamilya na. Ang problema ang kaibigan naming isa na babae nagpanggap siya sa amin na mayaman, abroad ang mga anak at nakatira sa kilalang village dito sa Metro Manila. Noong isang araw nakatanggap ng text ang isa sa kaibigan namin at sinabing critical daw condition niya. Sa madaling sabi ako agad ang tinawagan at sinabihan ng problema dahil babae din ako at binalewala namin muna ‘yung isa pa naming kaibigan.

    Hanggang sa hinanap na namin sa iba’t-ibang hospital hanggang kahapon pero bigo kami na makita siya. At napag pasyahan namin na puntahan ang sinasabi niyang lugar nila. Nagulat na lang kami kasi di nakatala sa homeowners ang pangalan nila. Nagkataon na may nagtanong sa amin nadinig yata ang hinahanap namin at sinamahan kami sa kanila at doon namin natuklasan na sa isang squatter’s area pala sila nakatira at ang mga anak na sinasabing nasa abroad ay tambay lang pala at doon din namin nalaman na wala siyang sakit. DJ, dapat ba talagang magpanggap o magkunwaring mayaman tayo para lang makahanap tayo ng kaibigan? Payuhan mo naman ako, DJ. Thank you and more power.

    Hello LJ!

    Your friend probably has a depression or maybe may multiple personality or split personality or maybe pretentious lang talaga siya.

    If you are a friend, if all of you are really a friend to her, you should help her dahil meron siyang delusions of grandeur. Pretending to be someone who’s not.

    Maawa kayo dapat sa kanya, maybe nakaluluwag kayo sa buhay so she feels that she has to keep up with all of you. Baka madalas siya mareject noon so maybe she thinks, if she is “better off” in life she will be accepted.

    I do not know how you can help her, but maybe reach out to her family and let them know she has been that way to all of you.

    Someone in her family has to know what she’s up or into.

    BE A FRIEND TO HER. Do not judge her as we don’t know what she is going through. At this point, she needs help. So if you can’t help her, at least, do not hurt her.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.