CHLOE'S INBOX
Truth Hurts
April 19, 2016
-


Hi, DJ Chloe!
You can call me Sugar and I am your fan since then.
I would like to ask for an advice kasi hindi ko na po alam kung anong gagawin ko. May nakarelasyon ako with 2 years dyan sa ‘Pinas, okay naman kami at lahat ng effort ginawa ko na kaya hindi ako makaalis-alis noon dyan sa Pilipinas dahil hinihintay ko siya na pumunta sa Manila para sumunod sa akin pero hindi rin natuloy so I decided to come back here in Dubai again. Lahat ng effort ginawa ko na. Mas naniwala sya sa hula na pag kami raw ang magkatuluyan, magiging miserable ang buhay namin. Ngayong bumalik na ako dito sa Dubai, I found out na ‘yung girl na nagsend sa akin ng message ay sila pala nung nakarelasyon ko at parang pinlano nila na paalisin ako sa ‘Pinas dahil nakikita ko mga post nila. One thing na napansin ko rin since nakipagrelasyon ako sa kanya palagi na lang ako umiiyak at sumama rin ang loob ng tatay ko at iyong kapatid kong lalaki.
Ano po bang dapat kong gawin? Nasasaktan po ako dahil nakikita ko mga post ng babae na masaya na sila. Need ko po ba na gumanti sa lalaking iyon?
Naging bitter na ba ako sa sarili ko? Sinesendan ko ng mga masasakit na salita ang mga pinsan pero kahit isa wala akong natanggap na reply.
Masayahin akong tao pero noong nagumpisa ‘yung relationship namin, naging miserable na ang buhay ko.
Ang masakit pa dahil mas pinili pa nya ang babae na meron nang dalawang anak.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Hayaan ko na po ba sila doon sa Pilipinas at dito na ako sa Dubai?Sugar
Dear Ms. Dubai,
Sorry to say that reyna ka nga ng kabitteran. Well, I can’t blame you because we all have different ways on dealing with pain at magkakaiba ang threshold nating lahat sa pain. Walang kasalanan ‘yung manghuhula, malamang sinabi niya lang ang totoo or pwede ring she was used as an alibi so he can find a way out from you.
The truth is usually painful and not everyone can handle it.
The guy you were so much in love with, is sad to say was never in love with you. He only took you for a ride.The earlier you can accept this fact, the earlier you learn to love yourself. The earlier you stop rubbing salt to your wound by being extremely bitter, the better life will be for you.
You, yourself have said na naging miserable buhay mo because of him, so what now? Gusto mo mag level up? masira ka na nang tuluyan? Or maybe you want to consider dropping this for the sake of your sanity? We make choices and our choices make us, eventually.
Sincerely,
-
COMMENTS














