Two men at the same time
X

CHLOE'S INBOX

Two men at the same time

January 26, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---TWO-MEN-AT-THE-SAME-TIME

    Dear DJ Chloe,

    Ako si Merlin, 21 years old. I have a boyfriend, one (1) year and nine (9) months na kami. Nakilala ko siya sa isang online dating website, siya ay taga-India kaya naman hangang ngayon ‘di pa kami nagkikita. Nitong mga nakaraang buwan bihira na lang kami mag-usap, siguro dahil busy din siya sa study niya. Kung mag-uusap man kami hangang good morning and good night na lang kami. Dahil doon naisipan ko ulit mag-online dating at may nakilala naman agad ako, this time isa namang Danish. Nagbakasyon siya dito sa Pilipinas kaya naman nagmeet kami ng personal kasama ang mga kaibigan ko. Noong una friends lang ang turingan namin pero habang tumatagal na-fall na ako sa kanya, dahil siguro lagi ko siyang nakakausap at nakikita kaysa sa boyfriend kong nasa India. To make the story short naging kami, nitong nakaraan lang umuwi na siya sa Denmark dahil may trabaho siya doon. Hindi ko na alam gagawin ko sa ngayon dahil alam kong mali na pinagsasabay ko sila. Gusto ko na makipagbreak sa una kong boyfriend kaso may nararamdaman pa din ako para sa kanya. At nitong nakaraang araw lang nagco-communicate na ulit kami kaya ngayon gulong-gulo ako sa nararamdaman ko.

    Merlin

    Hi Merlin!

    ‘Di mo nabanggit, kumusta naman si Mr. Denmark pagbalik niya sa bansa nila? Nag-uusap pa rin ba kayo? Para sa akin ang pinaka maganda mong gawin, makipaghiwalay sa kanilang dalawa para malinawan ka. And yes, correct, hindi ka naging fair pero sila kaya naging fair din sa’yo? I’m not saying na okay lang ang ginawa mo pero ‘wag kang masyadong mastress, dear, kasi parang sila eh hindi naman nase-stress sa’yo. Kaya nga kung ako sa’yo, bitawan mo muna silang dalawa and mag-isip, sino at ano ba ang gusto mo talaga? Gusto mo pa si Mr. India pero gusto mo naman makipagbreak sa kanya. Dettach muna girl and linawin mo muna isip mo. Para ‘di magulo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.