When The Universe Saved You From The Wrong One
X

CHLOE'S INBOX

When The Universe Saved You From The Wrong One

November 29, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-when-the-universe-saved-you-from-the-wrong-one

    Hi, DJ Chloe!

    It’s my first time to send a message on your inbox. Gusto ko sana humingi ng advice. About po ito sa boyfriend ko. Mag-iisang buwan plang kaming mag-on, pinakilala siya sa’kin ng friend ko, nagta-trabaho na po siya sa isang call center. Naging magkaibigan po kami. Until nanligaw siya at naging kami. The problem is bigla na lang siyang hindi na nagte-text at tumatawag sa’kin. Kahit i-text or tawagan ko hindi sumasagot. Bago siya magsimulang hindi na magparamdam, niyaya niya akong kumain sa labas at sumama naman ako. Pero nu’ng pauwi na kami, niyaya niya ako magmotel, hindi po ako pumayag kasi nag-aaral pa po ako at isang taon na lang ga-graduate na po ako ng college. Sabi ko, ‘wag. Ayoko. Hindi pa ako handa for that.  Mula po noon hindi na siya nagparamdam. Ano po ang gagawin ko? DJ, please, hide my identity. Thank you and more p0wer.

    Nikka

     

    Hi, Nikka!

    ‘Yan ang isang klase ng lalaking hindi mo dapat panghinayangan, hija. Napakaswerte mo at nakaligtas ka sa isang lalaki na isa lang ang sadya sa’yo. At natutuwa ako na hindi ka pumayag, ‘yun actually ang dahilan kung bakit bigla siyang naglaho. Unless otherwise pumanaw na siya bigla, na malamang ay hindi naman dahil kamo may common friend kayo na pwede niyong hanapin naman, ‘di ba?

    Alam mo kung pumayag ka, eto ang maaring timbre ng sulat mo:

    “Dear DJ Chloe, ano po gagawin ko may nangyari sa’min ng boyfriend ko at buntis po ako pero bigla po siyang nagbago at ‘di ko na halos makontak.”

    O ‘di naman kaya:

    “Dear DJ Chloe, may nangyari po sa amin ng boyfriend ko at after niya pong makuha ang gusto niya sa akin, hindi na po siya nagparamdam. Ano po gagawin ko?”

    Ngayon, ‘di ba? Mas maganda ang nilalaman ng sulat mo sa akin kumpara sa mga sinabi kong maaring naging tema ng sulat mo?

    God loves you, hija. He took out the wrong person from you. Now, finish school. Magtapos ka at malalaman mo, maraming lalaki sa mundo na mas karapat dapat sa’yo.

     

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.