We Are What We Repeatedly Do
X

CHLOE'S INBOX

We Are What We Repeatedly Do

June 27, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WE-ARE-WHAT-WE-REPEATEDLY-DO

    Hi DJ Chloe,

    Nabasa ko ang Chloe’s Inbox mo mula sa Facebook. I just want to share my story. Paki hide na lang po ng identity ko. I’m Ash, 32 years old, I am single mom with three kids. Hiwalay kami ng daddy ng anak ko seven years ago. I have a boyfriend magthree years na kami, may pamilya na siya at alam ko ‘yun, mula’t sapol. One year pa lang kami ng umalis ako ng bansa. Magka-work kami at masasabi kong naging napakasaya namin ng magkasama kami. I know mali pero sa kanya lang ako naging masaya, naging buo. Sa loob ng one year na ‘yun na nasa Pinas pa ako, naging mahirap para sa taong nasa paligid namin kasi mali nga ang sitwasyon. I tried na iwan siya ilang beses na pwede. Dumarating ‘yung time na hinahanap-hanap ko siya at presence niya, marami kasi siyang katangian na hinahanap ko na sa kanya ko lang nakita. Sa loob ng panahon na ‘yun hindi ako naramdaman ng wife niya, hindi ako demanding at hindi ko rin pinaparamdan na I existed. Sa madaling salita, nakapagtago kami hanggang nakaalis ako. Nu’ng umalis ako iniwan ko ulit ang boyfriend ko. Sabi ko kasi ito na siguro ‘yung pagkakataon para itama ang pagkakamali. Pero bakit ganon, sa t’wina naalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin.

    Nga pala siya ‘yung lagi kong kasama sa panahon na marami akong problema, sa panahon na tinalikuran ako ng lahat. ‘Yung panahong as in walang-wala ako. Kaya siguro naging mahirap para sa akin na kalimutan siya. To make the story short, kami pa rin hanggang ngayon, patuloy nagtatago dahil mahal namin ang isa’t-isa. Noon, gusto na niya hiwalayan ang asawa niya pero sabi ko ayoko dahil may mga anak din sila tulad ko. Ayokong manira ng pamilya kaya kahit masakit tanggap ko ang lahat. Ngayon, ilang months na lang pauwi na ako ng bansa at iniintay niya ako. Hindi ko alam kung magpapakita pa ba ako o hindi na, alam ko umaasa siya na may kami pa. Oo, mahal ko talaga siya, mahal na mahal. Pero nangangarap din ako ng buong pamilya. Hanggang ngayon, nalilito pa rin ako at naguguluhan. Dahil iniisip ko rin ang magiging epekto sa mga anak ko. Sana mabigyan mo ako ng advice na talagang nkakapagpalinaw ng sitwasyon ko, mahaba na ata. Thank you.

    Ash

    Ash,

    Everything really depends on what you want. Kahit anong iwas mo, gusto mo siya eh, kahit HINDI PWEDE, ‘di ba? So ano ba makakapigil sa’yo?

    Marami kang nasabi to justify this “love” of yours, whatever I say or tell you, hangin lang na dadaan sa’yo.

    Maliban sa mali at sa kasalanan sa Diyos ang ginagawa mo, ano pa ba ang pwede kong sabihin para magising ka? Hindi ka tulog para gisingin, alam na alam mo ang ginagawa mo.

    It only takes one decision to stop. When you’re already determined to stop, you will stop.

    Baka nga kahit pag-eeskandalo ng asawa niyan pag nalaman na merong isang IKAW, indahin mo rin dahil sobrang “mahal namin ang isa’t isa,” ‘di ba?

    We are what we repeatedly do in this world. If you really believe putting a stop to this is what’s best for your children, then let them be the reason why you’re doing this.

    Minsan sa kagustuhan na magkaroon ng buong pamilya, lalong napapasama, tulad ng sender kahapon, ikaw at ang tatlo mong anak. Pamilya na kayo eh. If you want a very good reason to leave him, simple lang, MAY ASAWA SIYA  at hindi sila hiwalay or wala silang planong maghiwalay.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.