CHLOE'S INBOX
What Do You Do To A Selfish Husband?
March 3, 2016
-


Hello po DJ Chloe,
Isa din po ako sa mga nakikinig at nag-aabang ng mga advice niyo. Anne na lang ang itawag niyo sa akin. Hindi ko na po talaga alam ang gagawin. Wala na po akong magulang at ang mga kapatid ko may kanya-kanyang pamilya na din kaya nagsstay ako sa puder ng magulang ng tatay ng anak ko. Seven years ang tanda ko sa tatay ng anak ko. Tatlong taon na po ang anak ko. Matagal ko na pong gustong humiwalay sa tatay ng anak ko kaso iniisip ko ang anak ko. Una, iniisip ko ang ate niya na may malaki akong utang na loob. Pangalawa, ang anak ko na ‘di ko makukuha. Hindi daw nila ibibigay sa akin ang anak ko. Bilang isang ina ‘di ko kayang mawala ang anak ko. Lalo na siya ang nagpapalakas sa akin ngayon. Ako ang nagta-trabaho sa amin, ang tatay ng anak ko magkakatrabaho lang pag may nagpapasok sa kanya. Hindi ‘yung kusang mag-aapply siya sa mga trabaho. Tahimik po akong tao kahit may nakikitaan akong ‘di na maganda sa paligid ko. Kahit sa kanya mangangapa ka kung mahal ka ba niya talaga. Kasi wala kang effort na makikita. Siguro nu’ng una meron nu’ng bago pa lang kami. Kahit dati nakikita ko na mahilig siyang makipagchat sa mga babae. S’yempre alam ko na may something, tumatahimik na lang ako. Nagbalak akong bumitaw na sa relasyon namin kaso nabuntis ako. Kahit sa pagbubuntis ko ‘di ko makita sa kanya na magiging mabuti siyang ama. Kasi gusto niya paalisin. Hindi ko kaya ang ganun kaya tinuloy ko. Nahahalata na ng mga kapatid niya pero siya dinedeny niya. Kaya ‘di ko din maamin. Balak ko nang umalis, doon na ako sa ate ko. Kaso nalaman ng magulang niya at ako na umamin. Siya lang naman ang inaantay ko umamin para sabihin ko na din. ‘Wag daw ako umalis. Nirespeto ko magulang niya kaya nagstay pa din ako sa kanila. Lumabas na ang anak ko, hanggang ngayon, tatlong taon na, pasarap-buhay pa din siya. Naglalaro ng mga games, nag-aadd ng kung sino-sinong girl sa Facebook. Nagba-bike kasama mga tropa niya o sa sinalihan niyang bikers club. Ang mga plano niya ay para lang sa sarili niya. Kahit sa Facebook ‘di mo makikita na nandun kami ng anak ko. Sobrang nasasaktan na ako sa mga ngyayari. Ginawa ko din lahat bilang nanay ng anak ko at sa kanya. Minsan nakakawalang gana pagsilbihan ang katulad niya. Kahit pala “thank you” o “sorry” wala kang maririnig sa kanya. Gusto ko ng umalis sa puder niya.’Di ako makaalis dahil sa anak ko. Kahit pagmamahal at pagpapahalaga lang namn ang gusto ko maramdaman sa kanya. Ms. Chloe, ano na po ang gagawin ko? Sana sa mga advice na mabibigay niyo mabuksan o mauntog na ako sa katotohanan. Salamat po at God bless.
Dear Anne,
Your husband seems to be enjoying still his pagkabinata. Ang daming ganyan. May asawa na’t lahat paglabas ng bahay–binata. Naugatan na ‘yan. He saw it in the family. His dad probably was also like that. Maybe not, pero come to think of it, lahat nagsisimula sa bahay ‘di ba?
You know, Jessica, there can only be two things you can do. Stay and endure while praying for change; or leave and bring your child and never come back and be a solo parent for your child.
Ang pakikipaghiwalay pinag-iisapan at pinagdedesisyunan ‘yan ng buo ang loob. If you’re leaving make sure you’re not coming back.
As to your child, any child below 7 goes to the mother. I think you’ll need a good lawyer for this. Kahit magtanong ka lang ng rights mo. ‘Wag kang matakot may “violence against women”, ‘di ba?
Stories like yours ay talagang very common. But if you look at the core of it, it’s because you have allowed it to happen to you. And only you can discontinue your decision to put a stop to everything. Not even my advise can help you. The decision should come from you.
Would you like to be like this? Be treated like this forever?
If not, get your child and yourself out of it. Go to your relatives, seek refuge from them, your child is yours. I hope you don’t allow your child to grow up in this kind of environment where in nakikita niyang “okay lang na ganyanin ang nanay niya”.
Sincerely,
-
COMMENTS














