CHLOE'S INBOX
What’s your kind of workout?
June 25, 2019
-


DJ Chloe,
Good day! I’m listening to you now, DJ Chloe. I’m in the middle age now, may asawa and three (3) kids. Share ko lang ‘yung dati kong ex-girlfriend. Isa akong sundalo and noong ma-assign ako ng Negros dun ko po siya naging girlfriend. Serious ako siya na maging asawa ko ngunit sa madaling salita ayaw sa akin ng mga magulang niya. Noon na-assign ako ng Mindanao at doon ko nakilala ‘yung naging asawa ko ngayon. At more years nakalimutan ko na siya pero nang dahil sa social media nagkakilala at nagka-communication kami. ‘Yun, nandoon na ‘yung mga pagsisihan ngunit napag-alaman ko na ‘yun mister niya ngayon napakababaero daw. Nanghihingi siya sa akin ng advice, ano daw gagawin ko sa asawa niya? ‘Di naman daw niya ito maiwanan dahil sa dalawang anak niya. Totoo, mahal ko pa din siya pero mali kung gagawa ako ng move na ikakapahamak ng mga anak at mga asawa namin?
Gumagalang,
Rey
Hi Kuya Rey!
Sir, let’s not complicate our lives anymore. Malaki na po ‘yan, alam niya na dapat niyang gawin sa asawa niyang babaero. Dine-delay niya lang. Alam mo pano mo tutulungan? Magdeactivate ka po sa social media accounts mo at mas pagtuunan mo ng pansin ang pamilya mo. Kahit magsisihan pa kayo sa kung anong nangyari sa inyo noon, ‘di nyo na mahahabol pa ‘yun. May mga pamilya na kayo, hayaan mo na lang po siya mamroblema sa asawa niya or better yet tell her to see a marriage counselor isama niya ang asawa niya. You have your own family, focus on them.
-
COMMENTS















