When conscience speaks...
X

CHLOE'S INBOX

When conscience speaks…

March 21, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-CONSCIENCE-SPEAKS

     

    Magandang araw po, DJ Chloe.

    Matagal na po akong nakikinig  sa Easy Rock station, online, at ngayo’y nagkaroon ako ng lakas ng loob na ibahagi ang aking story sa inyong Chloe’s Inbox segment.

    Itago niyo na lamang po ako sa pangalang Jane. Isa po akong OFW at ako po ay mayroong apat na anak na naiwan sa Pilipinas. Halos magdadalawang taon na po akong nandito sa Jordan bilang isang domestic helper. Hiwalay na po kami ng aking asawa at naging malungkot ang aking paglisan sa Pilipinas papunta rito sa abroad. Halos tatlong taon na po kasi akong walang contact sa aking mga anak, na kasalukuyang nakikitira sa bahay ng kanilang tiyahin.

    Alam ko pong mayroon pa rin silang poot sa akin magsimula nang makagawa ako ng isang pagkakamaling sumira sa aming pamilya. Nagkaroon po kasi ako ng relasyon sa aking katrabaho noon at ako po’y nahuli ng aking mister. Hindi na po kasi ako nakakahanap ng kasiyahan sa kanya kaya naghanap ako ng lalaking magpupuno ng kasiyahan ko at magbibigay sa akin ng pagmamahal na hindi kayang ibigay ng aking mister. Inaamin ko pong natukso ako at hindi ko naisip ang mga posibilidad sa aking mga nagawa. Lubos ko pong pinagsisisihan ang aking mga kasalanan at ako po’y nananalangin sa Panginoon na nawa’y mapatawad ako ng aking mga anak sapagkat miss na miss ko na po sila, DJ Chloe. Sobrang lungkot po pala dito sa abroad lalo na kapag hindi ko nakakausap ang aking mga anak. Nais ko lamang pong manghingi ng advice sa inyo, DJ Chloe kung paano malalabanan ang labis na lungkot na aking nararamdaman ngayon at kung ano ang maaari kong gawin para mapatawad ako ng aking mga anak.

    Jane

    Hi Jane!

    Lahat ng tao nagkakamali, lahat ng tao nagkakasala, iba-iba nga lang pero kasalanan pa rin.

    That is why I would like to share this verse with you. 1 John 1:9, “If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness.”

    Know that if you are truly sorry for what you did, God will forgive you, because He is a merciful God and He delights in those who come to Him and ask for forgiveness and truly repent. To repent is to not do it again. Minsan nga kahit paulit-ulit tayo, He still forgives us. ‘Yun nga lang, may mga consequences and mga kasalanan na nagagawa natin, it affects our relationship with God. Kasi minsan sa hiya natin, ‘di na tayo nananalangin kasi umulit na naman and the devil rejoices over that. Because that is the devil’s ultimate plan, ang malayo at mahiwalay tayo sa Panginoon.

    Mabalik tayo sa consequence ng nagawa mo. Ang pagkakalayo sa’yo ng loob at galit ng mga anak mo sa’yo, ‘yan ang consequence ng nagawa mo,  and your conscience eating up on you, that is another consequence of what you did. See? Sin literally strips us of peace of mind.

    Kung kailan ka nila mapapatawad, that you will have to wait for. Humingi ka na ba ng tawad sa kanila? If not yet, you need, and you have to. Once you’ve done it, leave it in God’s hands and keep praying for it, ask God to give you the courage and the strength while waiting in prayer.

    Rest your mind, Jane in the knowledge that God loves you and that you have already been forgiven the moment you have asked Him to forgive you, tao lang tayo, nagkakamali. We are blessed to have a loving and merciful God “who does not deal with us according to our sins, nor punish us according to our iniquities.”

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.