When He Is Serious It Will Take All His Guts To Say It To You
X

CHLOE'S INBOX

When He Is Serious It Will Take All His Guts To Say It To You

June 1, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-HE-IS-SERIOUS-IT-WILL-TAKE-ALL-HIS-GUTS-TO-SAY-IT-TO-YOU

    Hello, DJ Chloe!

    Itago niyo na lang po ako sa pangalan na “Ron”, 32 years old. Hihingi lang po sana ako ng payo. Six years na po akong single, binata pa rin. Akala ko manhid na ako. Nainlove ulit ako sa isang girl, nakilala ko siya dito sa Taiwan last year. She’s 30. Pareho po kaming single. Naging magkaibigan kami, super close na kami at dahil doon natatakot akong magtapat pa sa kanya, baka magkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan namin. Nagtanong pa naman ang isa naming friend sa kanya na what if manligaw daw ako sa kanya. Ang sagot nya “‘wag, maiilang ako.” Lalo tuloy ako pinanghihinaan ng loob, tinanggihan ko po ‘yung magandang offer sa ibang bansa din, ayaw ko lang po umalis, gusto ko lang siya makita at makasama.

    Dahil sa sinabi niya na baka mailang daw siya sa akin kung sakali magtapat man ako sa kanya parang gusto ko na po umatras at manatili na lang kaming friends. Pero mahal na mahal ko na po siya, ano po kaya ang dapat kong gawin? Sa ngayon, masaya naman po kami pero kung ipagtatapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko baka maging katapusan ko na. Sorry po umiral na naman pagka-torpe ko at  pagiging nega. Salamat po.

    Ron

    Hi Ron,

    Sabi nila ‘pag ang lalaki daw ay seryoso, natotorpe. I think it’s true.

    It’s really a big risk on your part. But if you don’t tell her you will end up all your life wondering what could have happened if you tried, ‘di ba?

    Try mo kaya  magpalipad hangin? Mararamdaman mo naman ‘yan sa magiging response niya sa’yo eh. Hahaha, ano ba ‘yan? Ron, hindi ako marunong manligaw eh, hahaha! Pero isa lang ang alam ko, what needs saying needs saying. Iniisip mo baka katapusan mo na ‘pag ‘di mo nasabi ang nararamdaman mo. Eh baka matuluyan ka talaga lalo kapag naunahan ka pa ng iba. Ikaw rin! Hmmm… Life is short, do what will make you happy. :) Take risks, walang sigurado sa mundo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.