When Honesty Becomes So Rare
X

CHLOE'S INBOX

When Honesty Becomes So Rare

March 28, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - WHEN HONESTY BECOMES SO RARE

    Hi DJ Chloe, gusto ko pa sana humingi ng advice. I’m your avid fan.

    Kasi it’s my boyfriend for three months. I was worked as DH (domestic helper) in Hong Kong last year. Umuwi lang ako ng December. I met him there ng November. Niligawan niya ko. Since I liked him, ‘di ko na pinatagal. Naging kami before ako ako umuwi ng December 23. I spent my last 14 days sa kanya. I know masyadong mabilis but he was so kind to me. Tinanong ko siya about family niya, if married siya. He admitted naman na he got a son. Pero ang sabi niya nasa canada na. And they are communicating dahil na lang sa suporta niya sa bata.
     
    And then noong nauwi ako dito after ilang days, umuwi din siya then dito siya nag Christmas. Nagtataka lang ako, DJ. Four days siya nandito nakipagkita lang siya sa akin for ng half day. Kasi ang dami niyang inaasikaso, I didn’t mind it naman. Then bumalik na siya ng Hong Kong ng December 28. After that continuous ‘yung communication namin. Parang sobra ng nahulog ang loob ko. I talk to him every day, every second, even when he is working.
     
    And after a month umuwi siya kasi Chinese New Year. Walang work. So umuwi siya ng February 5 to February 11. I wanted to spend much time with him. Feeling ko kasi kulang isang araw na makasama ko siya. Ang dami niya inasikaso sa kanila, banks, etc. So nagkita lang kami for one day.
     
    Noong bumalik siya, parang medyo nag-iba na. Iba na rin epekto sa akin kasi sobrang nahulog na loob ko kasi sabi niya seryoso na ‘yung sa amin. So nafocus lang ako sa kanya. Wala pa akong ginagawa sa ngayon, babalik ako ng Hong Kong ng May. Mabalik doon sa boyfriend ko, nahuhuli ko sa Facebook na kada Sunday at holiday niya, nakikipagmeet siya sa mga friends niyang babae nagba-bar. Pinag-awayan namin ‘yun noon. Kasi bakit niya kailangang magsinungaling kung kaibigan lang sila. Wala naman sana sa akin. Nagseselos ako pero uunawain ko siya. Hanggang sa nasanay na ‘ko every Sunday na lumalabas siya.
     
    Kaya ko nalalaman na lumalabas siya kasi nags-stalk ako sa FB. Mali man pero nabawasan trust ko sa kanya. Nakikita ko mga picture nila doon sa fb ng mga kaibigan niya. And ito lang lately, noong nag search ako may nakita ko na isa pa niyang account. At nag-appear doon ang family niya, ang Facebook ng anak niya, eight years old na nandito sa Pilipinas. Maraming beses ko siya tinanong if married na siya, hindi daw but I saw their pic as family at apelyido niya ang gamit ng nanay ng anak niya. It crashed my world, DJ Chloe, ibig sabihin ba noon nagsinungaling siya? :(
    He worked in Macau for 10 years. Engineer po siya at nakita ko sa Facebook niya at doon din nagwork ang nanay ng anak niya. Hindi ko po alam, inaantay ko ang sagot niya. Nasa Macau daw siya since Thursday and his Viber is off. I wonder why.
     
    Nasasaktan po kasi ako, hindi siya naging honest sa akin. I was into him 100 percent because I thought siya na. I was being choosy. Marami po ako manliligaw pero ewan ko ba na siya pa.
    I know it’s too early para maniwala agad ako sa kanya pero minahal ko po siya. Ano po ang gagawin ko?
     
    Thank you, DJ Chloe. Sana mareplyan niyo po ako, I’m Kristina.
     
    Hi, Kristina!
     
    Be careful of the people you meet not only online but also in person. Madali kasing magpanggap at maraming lalaki ang ganyan. Even if they’re married, paglabas ng bahay, binata.
    Sayang kasi you have preserved yourself hoping to find the “one” but ended up with the wrong one.
     
    I will not delve so much anymore sa mga explanations mo kasi I will tell you bluntly, may asawa siya at hindi siya hiwalay. Maaring hindi kasal pero may pamilya siya. May ka live-in at may anak. Buhay-binata nga lang ang peg niya. And if he is married, I pity the wife. Don’t you feel lucky for not being the poor wife? Or would you like to be in the position of the poor wife?
     
    You know it in your heart that he is what he is. You saw the evidences and yet nagbabakasakali pa na baka mali ang mga nakita mo. Come on, use your head this time, your heart led you to this disaster.
     
    You’re hurting because he wasn’t honest to you. Well honesty is expensive, so you don’t expect it from cheap people. Sabi mo:
    ” I know it’s too early para maniwala agad ako sa kanya pero minahal ko po siya. Ano po ang gagawin ko?”
     
    Ano ba ang dapat mong gawin? Kundi ang tama ‘di ba? Layuan siya dahil:
     
    1. Sinungaling siya.
    2. Niloko ka niya.
    3. May asawa at anak siya at hindi siya hiwalay.
    4. Niloko ka niya.
    5. Niloko ka niya.
     
    Ngayon nasa’yo na ‘yan kung ‘yung number 6 to 10 ay gagawin mong: “GUSTO KONG MAG PALOKO NG HUSTO.”
     
    I presume God made you complete with a heart but a head above your heart. Please, use it.
     
    Sincerely,

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.