When There's A Will, There's A Way
X

CHLOE'S INBOX

When There’s A Will, There’s A Way

May 10, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - WHEN THERE'S A WILL, THERE'S A WAY

    Hi DJ Chloe,

    Sana mapansin niyo po ang letter ko. I am Joanna. Gusto ko lang pong humingi ng payo. Meron po kasi akong boyfriend pero nakipagbreak ako sa kanya almost one month ago na. Pero bumabalik sya ngayon, hindi nya daw kaya na wala ako. I tried to ignore his text messages and calls kaso naawa na rin ako sa kanya after five days of ignoring him. Hindi ko alam kung mahal ko pa siya pero kinausap ko na ulit siya. Masaya naman ako na nakakapag-usap na ulit kami kaya lang after few days na medyo okay na ulit kami ay bumabalik na naman siya sa dati. ‘Dati’ means ‘yung attitude niya kaya hiniwalayan ko siya. Parang ang unfair lang kasi ayaw niya kong mawala. Kapag nawawala ako sa kanya gusto niya babalik ako palagi kaso pagbalik ko ‘di niya naman ako inaalagaan. I don’t know if I am being a high maintenance girlfriend kaya ‘di niya kayang ibigay ‘yung mga hinihingi ko sa kanya or talagang ‘di lang kami bagay? Simple lang naman ang gusto ko, since LDR kami, gusto lagi kaming magkausap every time na may free time siya. Wala namang problema sa’kin kasi I can always find time for him. Kaso siya morning at gabi lang nagte-text o tumatawag. Baka naman pampalipas oras niya lang ako. Thank you, DJ Chloe. I hope you can help me.

    Hi Joanna,

    Kung LDR kayo, paano ka magiging high maintenance girlfriend? Dahil magastos sa load? Kung wala siyang trabaho malamang wala siyang pangload pero imposible. Sa 30 pesos nga ng isang network meron ng unli calls and text plus may chat pa sa ibang application. Minsan normal na ugali ng lalaki ‘yan, nagiging complacent sila. Iwanan mo magbabago ng konti tapos babalik sa dati. Sabi mo nga “baka pampalipas oras niya lang ako”. If that’s how you feel, eh ‘di gawin mo rin ‘yun sa kanya. ‘Wag mo na lang masyadong dibdibin or seryosohin. Sarili mo unahin mong mahalin. Malapit ng magbago presidente natin, move na tayo sa pagbabago.

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.