When Will You Ever Learn?
X

CHLOE'S INBOX

When Will You Ever Learn?

April 11, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-WILL-YOU-EVER-LEARN

    Hi, good day, DJ Chloe. I’m an avid listener of Easy Rock. DJ, please hide my identity. Just call me Ms. Mhaldita and I want you to give me an advice. I’m 34 yrs. old, happily married and have 4 kids. But things have changed talaga lalo na pala pag tumatagal ka na in a married life. Actually, wala namang problema sa husband ko pero DJ ako po ang may problema. I have an affair with the other guy and I just met him in social media. To get it straight naging kami last year lang po. Nakuha ko pong lokohin ang asawa ko yet msasabi ko pong sobrang naging masaya po ako sa guy na ‘to.

    He completed me. But marami rin kaming pinagdaanan lalo na po ‘yung time na nabisto na kami ng asawa ko. Many times na po, actually 3 times na po at hanggang ngayon wala pa rin po ako talagang kadala-dala. He always forgives me because he really loves me a lot at dahil na rin sa mga bata. DJ, kahit naman po ganito ang ginawa ko, kahit minsan po ‘di ko naisip iwanan ang pamilya ko. Simula pa lang po ng relasyon namin sinabi ko na sa kanya na ‘di ko ipagpapalit ang pamilya ko sa kanya and he understand naman po. Iniwasan ko naman po siya, actually maraming beses ko na po siyang hinihiwalayan. He always insists talaga. Ayaw niyang pumayag kahit anong gawin ko. Lahat po ng FB account niya na-block ko na po, halos 10 FB account na po ang na-block but he still message me. Ayaw niya po akong tantanan and then sa ngayon po 3 months na po kaming ‘di nagkikita simula nung December. Hinihawalayan ko na po siya.

    Pero nag-uusap pa rin kami sa FB at hanggang ngayon gusto niya pa rin maging kami. Opo DJ Chloe, mahal ko pa rin po siya and he admitted na mahal niya pa rin ako. Hindi niya raw ako kayang kalimutan. Naging kami po for almost 7 months. Ano po bang dapat kong gawin DJ? Kahit anong iwas ko sa kanya, lagi ko po siyang naiisip. Ramdam ko rin na naiisip niya pa rin ako. Alam kong mali at yung karma, alam kong babalikan ako hindi man sa’kin, sa mga anak ko naman. DJ, alam ko huhusgahan niyo ako pero sa totoo lang po masaya po ako sa kanya.

    Although mahal ko rin naman ang asawa ko lalo na po ang mga anak ko. Ayaw ko po nang dahil sa kagagahan ko masisira ang pamilya ko. Please I need an advice para malinawan lang po ang isip ko. DJ Chloe add ko lang po, 7 years ang age gap namin ng husband ko and my other man is 6 yrs. ang age gap namin. He’s also married pero wala po silang anak at ang asawa niya OFW sa Singapore. And sa 6 yrs. nilang mag asawa, hindi lang po ako ang nakarelasyon niya. Bago pa lang po kami ay may nakarelasyon na siya at 1 yr. and a half daw po sila. And aaminin ko medyo may pagkababaero siya, lagi ko po siyang nahuhuling may ka-chat at tumitingin ng FB ng ibang girls. Minsan nakakasawa na rin po ang awayin ko siya dahil ayaw naman niyang umamin kahit nakikita ko na. Hinahayaan ko na lang siya. Kaya isa rin yun sa dahilan kaya gusto ko siyang hiwalayan. Pero talagang matigas talaga siya, ayaw niya talaga akong tantanan.

    Thanks and God bless.

    Ms. MHALDITA

    Gusto mong matapos ‘to? Talaga? Ikaw mismo tigilan mo kaka-FB mo.

    Kasi dun kayo usap nang usap eh. Dun kayo kulitan nang kulitan at pag nakulit ka na, makikipag kita ka kahit isang milyong FB niyan ang i-block mo hangga’t may mobile number ka, may Friendster ka at Twitter o kahit anong social media, matutunton ka. So tulungan mo ang sarili mo at ikaw na ang mag regulate sa sarili mo kung gusto mong disiplinahin ang sarili mo day,okay?

    Kahit anong tigas niyan, kung ayaw mo uubra ba yan?

    You cannot fool me by saying that you really don’t want to but he insisted.

    Nandiyan ka eh. Libre ka, walang ganong effort sayo. Walang obligasyon sa’yo at mabuntis ka man niyan may asawa ka. How can you claim it is his?

    This guy is a con, okay? And you can’t see that. Why? Kasi akala mo mahal na mahal ka, gustong-gusto ka at gandang-ganda sa’yo.

    Babaero kamo? Then you are just one of those women he is playing around with.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.