CHLOE'S INBOX
When You Do Things For Someone
June 21, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Ask lang ako question. May friend ako na guy, may ka-live-in partner. Actually super close kami ni guy and kilala ko din ang partner niya. May mga girls na medyo hinaharot niya sa office. So pinagsasabihan ko siya. Kasi nga kilala ko partner niya tapos may isang girl na medyo lumalapit sa kanya. Parati siyang inaasar hanggang halos sabay na siya umuuwi. Ang nakakapagtaka kasi parang palihim pa silang sabay umuuwi kasi pag-umuwi si girl after five minutes nagmamadali umuwi si boy. Tapos nahuli ko sa office na nag-uusap sa cellphone pero halos magkatabi lang naman sila ng upuan. Actually, nasa likod lang niya.
So I asked a common friend namin kung ano meron sa dalawa. And sabi lagi daw magkatext sila then pinapapunta pa ni boy si girl sa labas para magyosi. Tapos nalaman ng boy na nagtatanong ako and he confronted me. Ano daw pinagsasabi ko dun sa common friend namin. Wala daw akong pakialam sa kanya. ‘Di ko daw siya kaano-ano and wala daw akong nautulong sa kanya. ‘Yung girl daw sobrang dami. To think kelan lang sila nagkakilala, kami five years na magkaibigan. Samantalang halos pag may kailangan siya ako takbuhan niya. Manghiram ng money, magparide sa credit card and many more. Masakit lang kasi ‘di man lang niya naisip ‘yun mga ‘yun. And last, hindi daw niya ‘ko kailangan. Nagsorry ako sa kanya that time pero ‘di daw niya ‘ko mapapatawad. Halos magmakaawa ako, ayaw niya pa din. Tama bang hindi ko na siya kibuin dahil sa nga sinabi niya?
Miss A
Miss A,
Why so affected? ‘Di ba dapat happy ka? May iba na siyang uutangan!
The way I see it, you have a thing for this guy friend of yours.
You are so concerned about him being “close” to another officemate to the point that you stress yourself out to know what they have.
Tinalo mo pa asawa/live-in partner niya sa pag-iimbestiga.
Consider yourself lucky because you are now free from this “freeloader” guy friend of yours. Friend nga lang ba siya sa’yo?
Baka mas may pakinabang sa kanyan itong girl officemate niyo. Baka mas malaki ang credit limit sa credit card. :)
But well, if I were you, distance yourself na lang. He is not good for your health and wallet. :)


-
COMMENTS














