CHLOE'S INBOX
When you keep yourself broken
June 27, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Good afternoon, please hide my name and identity. Pasensya na kung medyo mahaba-haba ang story ko. I’m 40 years old, a mother of three (3) kids. Separated po ako for more than years and after that namatay din ang husband ko after two (2) years nilang pagsasama ng new wife niya. Habang separated po kami, nu’ng mga time na ‘yun nagkaroon po ako ng boyfriend, which is ayaw talaga ng mga anak ko sa lalaking ito mula pa lang ng umpisa. Dati siyang nalulong sa drugs ngunit nu’ng nagkaroon kami ng relasyon binago niya ang sarili niya para sa’kin. Ngunit ‘di ko alam kung bakit ayaw pa rin ng mga bata sa taong ito. Tinatanong ko kung bakit pero sabi nila ‘di daw nila nafi-feel na magiging mabuting stepfather daw ito sa kanila. But still I insisted na baka darating ang araw eh magugustuhan din nila ang boyfriend ko. Honestly speaking po, nagsasama na po kami sa isang bahay from that time until now. Medyo tamad at walang pangarap talaga sa buhay ang taong kinakasama ko na umabot sa puntong lagi akong sinisisi ng mga anak ko. Ni hindi ako tinutulungan para sa pag-aaral ng mga bata. As in nagmumukha na nga akong tanga sa ibang tao kasi sabi nila kumuha lang daw ako ng taong palamunin.
Pero, of course, naawa naman ako sa kanya kasi alam kong wala siyang mapupuntahan kapag maghihiwalay kami. Umabot nga kami ng eight (8) years ng pagsasama until may nakilala akong isang foreigner sa online two (2) years ago habang kasama ko pa ang taong ito. Inilihim ko sa foreigner about sa kanya which is alam niya ang tungkol sa foreigner. We’re exchanging chats, video calls, at ‘yun na nga ipinakilala ko sa kanya ang mga kids ko at sobrang nag-eenjoy sila kapag kausap nila ito na ‘di ko nakikita sa kinakasama ko. Mabait ang foreigner at willing siyang maging tatay sa mga anak ko. Sobrang maalalahanin at lagi niyang chini-check if everything is okay in school at kung okay ba kami sa bahay. Just to be honest po, DJ Chloe, pinapadalhan niya po ako ng money para daw po sa pag-aaral ng mga anak ko at gastusin naming na kahit sinabi kong ayoko but still namimilit talaga siya. May work po ako at kahit papano nakakasurvive naman po kami even if without ‘yung foreigner. Kaya lang DJ Chloe parang nahuhulog na po ang loob ko sa foreigner kasi ni minsan sa kanya ko lang naramdaman ‘yung may nagca-care sa’kin. Alam ko pong mahal ako ng taong ‘yun pati mga anak ko at pupunta siya dito para i-meet lahat ng mga kamag-anak ko at of course kami. DJ Chloe, ano po ba ang gagawin ko? Pano ko sasabihin sa kinakasama ko na ayoko na sa kanya at iba na ang nandito sa puso ko? Ayoko na ring maglihim pa sa foreigner, gusto ko na po ng freedom which is ‘di ko alam kung pano ko gagawin. Tulungan niyo po ako, please. I’m your avid fan from Las Piñas mula pa noon, hanggang ngayon. 96.3 lang po talaga ang pinapakinggan ko. Sana mabasa niyo po ang sulat ko. Thank you.
Hi Sis!!!
“Bakit Ngayon Ka Lang?” ang peg?
One thing lang that caught my attention sa letter mo is, alam ng kalive-in mo ang tungkol sa ka-chat mong foreigner. And yet it seems he’s just okay with it. Kasi nakikinabang din siya?
Sayang ‘no? Kung nakinig ka lang sana sa mga anak mo, wala kang problema ngayon.
Well, ayoko ng habaan pa. Alam ko pakiramdam mo, gusto mong sunggaban si foreigner kasi nga naman good catch, at halos palayasin mo na si kalive-in kasi batugan, walang pangarap sa buhay, in short, PAL. Na ngayon ay magnified na magnified dahil may nakilala kang exact opposite na blue eyes pa.
Well, napakasimple lang. Sabihin mo kay kalive-in na ayaw mo na sa kanya dahil ayaw mo na sa kanya. I’m sure hindi ‘yan maniniwala dahil alam niyang may foreigner. At ‘yun ang totoo. At si foreigner sabi mo gusto mong magkaron ng freedom sa kanya, anong freedom? Freedom to be with him? Well, the only way to do that is to free yourself from the parasite you’ve been with for 8 years.
Naaawa ka? Siya ba naawa sa’yo? Na pinagtatrabaho ka niya para buhayin mo siya? Nagkataon lang na may foreigner ka, pero I’m sure deep inside pagod na pagod ka na sa kakamasid sa katamaran niya. But come to think of it, magiging issue kaya sa’yo ang pagiging ganyan nya kung wala kang nakilalang iba na maaring makapagpabago ng buhay mo? For eight (8) years natiis mo, ‘di ba?
-
COMMENTS















