When You Start Caring About Yourself
X

CHLOE'S INBOX

When You Start Caring About Yourself

February 10, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-YOU-START-CARING-ABOUT-YOURSELF

    Hi DJ Chloe,

    I hope na mabasa nyo on-air itong letter ko. I’m your avid listener for so many years. Just call me Princess, 38 years old and a mom of two adorable sons. Isang three years old and one year old. Here’s my story…

    Last 2014 when we had a small reunion ng mga batch mates ko sa college. Dun ko na-meet ang father ng mga anak ko. Magkabatchmate kami and we had common friends pero hindi kami magkakilala during college days. Actually, nu’ng reunion ko lang talaga siya nakilala.  After reunion ay nagkaroon kami ng communication hanggang sa nauwi kami sa malalim na relationship. Pinakilala na niya ako sa buong family and relatives niya. Hindi naging madali ang naging relasyon namin sa loob ng apat na taon. Ilang buwan pa lamang kami noon ay natuklasan kong may mga anak na siya sa tatlong iba’t-ibang babae pero never siyang nagpakasal sa isa man sa mga ito. Bukod sa mga naanakan ay napakarami niyang karelasyon na pinagsasabay-sabay niya. Hanggang sa nakausap ko ang mga naging past relationships niya at naging mga kaibigan ko pa. DJ Chloe, sinikap kong tanggapin ang lahat dahil past naman na ng ex kong ‘yun. Sinikap ko rin na baguhin ang pananaw niya upang magkaroon ng direksyon ang buhay niya.

    On the first year ay nagagawa ko naman siyang tulungang magbago dahil on-time naman siyang naghahatid-sundo sa akin sa work ko at open na rin sa akin even his Facebook account and his cell phone. In short, naging kampante ako. Hanggang sa dumating sa point na marami akong natutuklasan ulit na mga ka-chat at ka-text niya. The worst was ‘yung isang past girlfriend niya ay lihim pala silang nagkikita until such time na nabuntis din ‘yung girl. Nagalit sa kanya ang maraming taong nakakakilala sa amin. Mahal na mahal ako ng parents niya at ‘yun lamang ang pinagpapasalamat ko. Sobrang sakit, DJ Chloe ng ginawa niya pero again dahil sa sobrang mahal ko ‘yung guy ay tinanggap ko pa rin siya at dun nagpropose ‘yung guy sa akin na magpakasal kmi. We’re in our two years in our relationship nang nagprepare kami for our wedding. We already have church, reception, wedding ring at lahat ng iba pang kakailanganin for the wedding. All of a sudden, DJ Chloe, ay bigla kong pinamove ang date ng wedding namin, twice na nangyari na pinapamove ko. I admit na nakramdam ako ng takot kung sakaling dumating sa point na magsama na kami dahil na rin siguro sa mga natuklasan kong gawain niya sa mga babae.

    Like Angelica Panganiban’s line na “may sakit ka na,” which is ‘yun ang lagi kong sinasabi sa guy. In short, DJ Chloe, ay nag decide akong lumayo at nangibang bansa kasama ng dalawang anak namin. Nalaman na lang niya na nsa ibang bansa na kami. I know sobra kong nasaktan ang pamilya niya at mas lalong sobra ko rin siyang nasaktan. DJ Chloe, my question is mali ba ang ginawa ko na pagtalikod sa kanya or tama lang ba ito para na rin sa kapakanan naming mag-iina? Until now, nababalitaan ko na napakarami pa rin niyang girl na niloloko at pinagsasabay-sabay, mas lalo siyang naging desperado sa buhay at ginawa niyang self stimulation ang pambababae niya. DJ Chloe, mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at alam kong sa dinami-dami ng mga babae niya ay ako rin ang lubos niyang minahal. Nasasaktan pa rin ako ng sobra sa mga nabalitaan ko pero kinakaya kong kalimutan siya para na rin sa ikabubuti naming mag-iina. Thanks in advance for you advice, DJ Chloe.

    Princess

    Princess,

    In this life, it’s important to always choose peace and you have chosen that. You have bravely chosen to do the right thing .

    Sabi nga ni JT, “ang baka daw kahit kelan di magiging kambing.”

    What I’m trying to say is you cannot change the father of your children, it’s not your fault he is like that. It’s not your fault either that he still chooses to be that way.

    Tama lang na hayaan mo siya sa gusto niya at ‘di ka nagpakasal. Not even a legal contract can change his womanizing ways. In fact, bibigyan mo lang siya ng karapatan saktan ka ng legal at wala ka ng magagawa dahil kasal ka na at nakatali ka na.

    You will live a stressful , pathetic, and ugly life, which will eventually make you either ugly or sick. ‘Di malayong magkasakit ka dahil napakababaero niya. Ilang babae na ang nangumpisal sa’kin mula ng nag Chloe’s Inbox ako na sa pagttyaga nila sa asawa nilang babaero, nahawaan na sila ng STD.

    I also know of someone close to me who died of ovarian cancer. Napakadisenteng babae, napakaganda, ulirang ina, namatay sa cancer. Nag-umpisa sa UTI, naging candidacies, nagging Chlamydia. Hanggang naging ovarian or cervical cancer. Why? Nuknukan ng babaero ang asawa. In fact, ‘di pa siya namamatay may kinakasama ng iba.

    How sad , right? The man you vowed to love ended up killing you or digging your grave.

    Well, may mga lalaking nagbabago. Pero suntok ‘yan sa buwan and it’s really a big mistake if you will risk your whole life waiting for him to change. My dear, I am applauding you right now. I am raising my glass for you. BRAVO! You did the right thing!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.