Whether you love each other or not cheating is still cheating
X

CHLOE'S INBOX

Whether you love each other or not cheating is still cheating

October 10, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHETHER-YOU-LOVE-EACH-OTHER-OR-NOT-CHEATING-IS-STILL-CHEATING

    Dear DJ Chloe,

    Hello and good afternoon, DJ Chloe at kumusta? It’s been a long time since you post my first letter in this corner at salamat dahil naipost niyo rin. Well, DJ, this is my 2nd letter to you. Just call me Dom at may family. Pero nasa probinsya sila. Nabanggit ko sa’yo noon sa 1st letter ko na may isang girl akong nagugustuhan dahil nasa isang bahay lang inuuwian namin at ‘yung hubby niya nasa abroad. Mula nu’ng umalis ako dun sa bahay nila dun na nag-umpisa ‘yung pagttext namin na nauwi sa isang patagong relasyon. Nu’ng last March 17 sinagot niya ako at naging kami na nga. At that time may nangyari sa amin at nasundan pa ng ilang beses at hanggang ngayon nagkikita pa rin kami ng palihim. Hindi na namin kayang iwasan ang isa’t-isa at pareho kami ng nararamdaman, DJ Chloe. Ngayong September uwi ng hubby niya at balak nilang magpakasal pero sabi niya walang magbabago sa relasyon namin kahit nandito asawa niya dahil three (3) weeks lang at pabalik na naman ng abroad. DJ Chloe, mahal ko siya at mahal niya rin ako. I need your advice at parang mahirap naming pakawalan ang isa’t-isa, DJ Chloe.

    Yours truly,

    Dom

    Hi Dom!

    Sumulat ka na dati, mukhang ‘di naman kami umubra sa’yo sa lahat ng mga payo namin, ‘di naman yata payo ang kailangan mo kundi approval, ano? Alam mo sa ngayon okay pa ang lahat kasi wala pang nakakabuko sa inyo. Pero alam mo ‘pag nagkaproblema kayo, dun mas masakit pa sa sakit ng bangs ang mararamdaman mo. Wala naman akong masasabi sa’yo kundi buhay mo ‘yan, buntot mo hila mo. So since matapang kang pumasok sa ganyang problema sana matapang ka din harapin ang lahat kapag nagkaalaman na. Kasi ‘pag nangyari ‘yun sasabihin mo sa sarili mo, sana iniwasan mo na lang siya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.