CHLOE'S INBOX
Who Got Your Back?
March 9, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Lagi akong nakikinig sa inyo. This is my dummy account. You can call me Shey. Manghihingi po sana ako ng advice hindi tungkol sa’kin kundi sa brother ko. Meron siyang asawa. I think for two (2) years na sila magksama and may anak na sila. Ang problema kasi ‘yung ugali ni girl sobra na. Kasi lahat na lang ng galaw ni brother gusto niya alam niya. Lagi din niyang pinaghihinalaan na may babae kahit wala naman. May time na pinahiya niya si brother sa harap ng maraming tao. Gusto na niya paalisin kaso naaawa naman siya sa bata. Hindi na rin po niya alam gagawin kasi nahihirapan na rin siya kay girl. Ilang beses na rin kasi siya pinagbibigyan pero paulit-ulit na lang ‘yung ganung pag-uugali niya. Sana po mabigyan niyo kami ng advice kung anong dapat gawin. Sana positive comments lang din po if ever na mapost. Thank you po and more power.
Shey
Shey,
Kapatid mo lang makakapagdesisyon para sa buhay niya eh. If I would give an advice, eh para sa’yo and thats to have his back since you’re a sister to him. Support him whatever decision he comes up with. Mahirap kasi may anak sila eh at hindi rin solusyon ang maghiwalay palagi. May counselling, nai-suggest niyo na ba ‘yan sa kanila? Exert efforts muna. Kasi pinili nya naman ‘yang asawa niyang ‘yan eh, ‘di ba?


-
COMMENTS














