When the wife is away some men can't help but play
X

CHLOE'S INBOX

When the wife is away some men can’t help but play

January 30, 2019

  • DISCLAIMER: The content below may consist of ideas and subject matters suited only for adult audiences. Audience below 18 is advised to view this content under adult supervision.

    EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-THE-WIFE-IS-AWAY-SOME-MEN-CAN'T-HELP-BUT-PLAY

    Hi DJ Chloe!

    Ako po si Renante, 36 years old. Ewan ko po kung dapat ko ba itong i-share sa inyo. Wala po akong mapagkwentuhan nito dahil mag-isa lang po ako dito sa Maynila at siguradong maiinis at magagalit po kayo sa’kin. May asawa po ako at tatlong maliliit na anak. Pinauwi ko po sila sa probinsya namin para doon sila pag-aralin at matutukan din sila ng nanay ko. Hindi po kasi marunong mag-alaga ang asawa ko sa mga anak namin, napapabayaan lang po sila. Ako naman naiwan dito para magtrabaho. Meron akong isang malaking pagkakamali na hindi ko dapat ginawa. Naging kabit ko ang babaeng kapit-bahay namin dito sa Maynila, itatago ko siya sa pangalang Rina. Bilang isang lalake may hinahanap ako na dapat asawa ko ang makakapagbigay, at dahil nga wala siya dito sa Maynila, hinanap ko ito kay Rina. May nangyari sa amin at sa kasamaang palad nabuntis ko ito. May asawa din at isang anak si Rina. Ang naisip niyang solusyon ay ‘wag daw namin ito ipagsasabi at mananatili lamang itong sikreto. Ipapaako na lang niya sa asawa niya ang dinadala niyang anak namin. Noong una pumayag ako, pero nakonsensya ako at gusto ko din kilalanin ako ng anak ko sa kaniya. Kaso pagnalaman ito ng kaniya-kaniyang asawa namin tiyak na malaking gulo ito. Lalo na sa part ko dahil pagnalaman ito ng asawa ko tiyak na hihiwalayan ako nito at ilalayo niya sa’kin ang mga anak ko sa ayaw at sa gusto ko, na siyempre ayaw kong mangyari. Alam kong maraming magagalit at maiinis sa sulat kong ito pero nagsisisi na ako sa panlolokong ginawa ko. Sa ngayon, five months na ang dinadalang anak ni Rina sa’kin, at kagaya ng sinabi ko ang alam ng asawa niya ay anak nila ito. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin at malulusutan, naguguluhan na ako. Gusto kong makasama pare-pareho ang mga anak ko, pero parang kailangan kong mamili. Sana po ay mapayuhan niyo ako, DJ Chloe. Maraming-maraming salamat po and God bless.

    -Renante.

    Haaaaay! Renante! But seriously, you’re not the only one who came to me with this kind of problem, I also know of some people, women who got pregnant with someone else and yet are still very much married with their respective husbands. And well I know, it can make you cringe, anyways! Maganda naman ang naisip na solusyon ni Rina, what else can she actually do nga naman but to just be quiet about it and let her husband think it is theirs. Well at the end of the day, it is the two of you who will carry the weight of what you both have done, and conscience will make sure you don’t forget. There are, actually, just two things you can do. Own up to it, and let your wife know about it and face the consequences, or just choose to be deadma about it and let karma deal with you. You can keep everything to yourself, and bring the truth to your grave, but you can never keep anything from God’s sight. And that my friend is where judgement lies. But you know God is a merciful and forgiving God, He will forgive us if we ask for forgiveness but of course we can’t be free from the consequences of the sinful things we’ve done. Kaya nga kailangan harapin ang dapat harapin at pagsisihan. Kung gano ka katapang nu’ng ginawa mo ‘to, dapat ganun ka rin katapang na harapin ang totoo at gawin ang tama this time.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.