CHLOE'S INBOX
It will never be the child’s fault
July 15, 2019
-


AM I SELFISH??
Dear DJ Chloe,
I’m avid fan of yours. Please hide my identity gusto ko lang po i-share kung ano ang nararamdaman ko ngayon and I really need advice sana matulungan niyo po ako. Thank you! I’ve been with a guy for like three (3) years already, and medyo nagpaplano na rin para sa future. May anak siya, pero ‘di sila kasal ng nanay ng bata. Una pa lang bago niya ako ligawan alam ko na po na may past siya pero tinuloy ko pa rin dahil akala ko po kasi matatanggap ko ‘yung bata pero hindi ko po talaga magawang tanggapin ‘yung bata dahil feeling ko po kaagaw ko siya. Sa tuwing napag-uusapan ‘yung bata puro galit po ‘yung nararamdaman ko, ang laki po ng insecurity ko sa bata, pinagseselosan ko po siya. Masamang tao po ba ako dahil wala naman kasalanan ‘yung bata pero galit ako sa kanya? I haven’t seen the kid kasi nasa province siya ng nanay niya at hindi naman nahihiram ng boyfriend ko. Nu’ng last na nahiram po niya year 2017 hindi po ako sumama dahil ayaw ko po talagang makita/makasama ‘yung bata. Sabi naman po ng boyfriend ko na hindi na niya mahal ‘yung ex niya at hindi na niya babalikan but he makes sure na masuportahan niya ang bata sa abot ng makakaya niya. At ‘yan ang nakikita kong problema. Minsan naiisip ko, deserve ko ba ‘to? What if siya ang maging asawa ko at magkaanak na rin kami, magiging kaagaw ng anak ko ang anak niya sa ex-girlfriend niya. You know, hindi lang sa affection kundi sa finances na din. Eh hindi naman po ganon kalaki ang kinikita niya. Do you think magiging issue ito sa pagsasama namin in the future? Pero ngayong magjowa pa lang po kasi kami malaking issue na ehh. To the point na nasasaktan na po ako ng hindi man lang niya alam dahil ayaw ko na po mapag-usapan namin dahil palagi naman po niyang sagot sa akin ay anak niya ‘yun, hindi niya pwedeng talikuran dahil dugo’t laman niya. Nasasaktan po ako DJ sa tuwing napag-uusapan namin ‘yung bata. Hindi naman po ako masamang tao. Hindi ko po alam kung bakit galit ako sa bata, siguro po ay dahil insecure ako. Kung p’wede ko lang po baguhin na sana maging binata na lang din siya na walang pananagutan katulad ko na dalaga pa ay gagawin ko po dahil ganon ko po siya kamahal. Ang dami ko po narinig na masasakit na salita at panghuhusga galing sa ibang tao lalo na sa mga workmates namin dati pero binalewala ko po ‘yun lahat dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Ang hindi ko lang po magawa ay ang makasama siya, kasama ang anak niya sa ex-girlfriend niya. Mahal na mahal ko po ang boyfriend ko pero kahit na ano po gawin ko hindi ko po talaga magawang tanggapin ‘yung anak niya? Dahil siguro selosa ako or nasanay ako na nasa akin ‘yung atensyon at pagmamahal dahil bunso ako or dahil iniisip ko na unfair sa akin dahil dalaga ako, walang sabit.
PLEASE GIVE ME ADVICE, DJ CHLOE. THANK YOU SO MUCH. GOD BLESS.
Anonymous
Hi Girl,
You said it yourself, “…hindi ko po talaga magawang tanggapin ‘yung anak niya. Dahil siguro selosa ako or nasanay ako na nasa akin ‘yung atensyon at pagmamahal dahil bunso ako or dahil iniisip ko na unfair sa akin dahil dalaga ako, walang sabit.”
Ano ba ‘to, final na ba ‘to? ‘Di mo talaga matatanggap ang anak niya? Because if the answer is NO, then sibat na.
Ikaw naman, right from the start alam mong may anak na eh, tapos ‘di mo matanggap, eh ‘di dapat nu’ng una pa lang, ‘di mo na sinagot.
Mahirap talaga ang ganyang sitwasyon, again, you can never change the fact that he is already a father of a child with a woman who came before you. For life na ‘yan and if you will be with him, you will share the attention. Well at least, wala sa kanya ang bata, nasa nanay. So you’ll just have to deal with the visitations, the occasions where they will see each other.
If these things will be a problem to you at sa ugali mong naiinis ka sa bata, hindi magandang pangitain ‘yan sa’yo. Mali, hindi ka naiinis. Nagagalit ka pala, bakit? Inaano ka ba nu’ng bata? Sa mga tanong mo na magiging issue ba ang pagsuporta sa bata in the future, oh yes. Ngayon pa nga lang, ‘di mo pa asawa, issue na sa’yo. Ano pa kaya ‘yung gipit kayo tapos may pangangailangan ‘yung anak niya. Tingin mo? Hindi ba magiging issue ‘yan in the future?
Pero sa totoo lang, mahirap talaga maging madrasta, pag-isipan mong mabuti ‘yan.
Gusto mo ng tahimik na buhay? Find a man without complications.
-
COMMENTS















