Words Are Better Expressed Than Left Unsaid
X

CHLOE'S INBOX

Words Are Better Expressed Than Left Unsaid

April 11, 2017

  • EASY ROCK --- --- CHLOE'S-INBOX-WORDS ARE BETTER-THAN-expressed--LEFT-UNSAID

    Good morning, DJ Chloe. Pasensya na, wala akong masabihan at mapag tanungan. May boyfriend ako, 3 months pa lang kami.  Mabait siya at sobrang sweet. Madalas kaming magkasama at laging masaya. Syempre may tampuhan din, pero ang nagustuhan ko talaga sa kanya ay yung pagiging honest niya. Meron siyang mga inamin sa akin about sa buhay niya (about family, past experiences) na walang ibang nakakaalam, kahit mga ex niya.  Ang sabi niya, WALA siyang kinwentuhan kasi ito yung mga bangungot sa buhay niya at gusto na niyang kalimutan.  Ayaw daw niyang maglihim sa akin.  Meron siyang nakukwentong exes niya, pero ang tanging tumatak sa akin ay yung first love niya. Naging gf niya nung 14 yrs. old pa lang siya.

    2 yrs. naging sila, tapos nagbreak, tapos naging MU na lang daw. Naghiwalay sila dahil ayaw sa kaniya ng magulang nung girl. Nag-asawa yung girl at nagka-anak. 21 yrs. old na yung girl nung nahiwalay sa asawa. Sabi ng bf ko, yun yung time na sinubukan niyang balikan yung ex niya, pero hindi siya tinanggap kasi hindi daw niya kayang buhayin yung mag-ina. Nasaktan daw siya at inamin niyang iniyakan niya. Kaya pala pag nagkukwento siya about sa mga ex niya at nagtanong ako kung minahal niya, laging ang sagot niya “hindi”.  Kasi yung first love lang daw niya ang talagang minahal niya. Kahapon, magkasama kami at nabanggit ko sa kanya na ina-add ako sa FB ng ex niya,yung first love niya. Tapos nagsimula na akong mag-usisa about sa pinagsamahan nila. Ang intensyon ko, kwentuhan lang. Pero nainis siya, sabi niya na ‘wag na nating pag- usapan. Tinanong ko kung bakit. Nung una sabi nya, “wala na yun, tapos na yun, ‘wag na nating alalahanin”. Pero nung medyo nagkaka inisan na kami, inamin niya na nalulungkot at nasasaktan siya pag naaalala niya yung mga nangyari sa kanila. Mahirap daw kalimutan yung pinagsamahan nila.

    Ang sakit nung narinig ko. Ang kulit ko din kasi, kasalanan ko. Tinanong ko siya, “mahal mo pa ba?” oo daw, pero mahal din daw niya ako at ayaw daw niyang masira ang relasyon namin dahil dun. Hindi na din daw niya kayang mawala ako sa buhay niya. Naiyak ako on the spot sa mga narinig ko. Hayyy..nararamdaman kong mahal niya ako. Alam ko din na wala na silang communication nung first love niya. Ang huling balita raw niya ay may bagong ka-live in na ‘yung girl. Gusto ko siyang hiwalayan. Ang sabi ko sa kanya, alamin niya muna kung ano ang gusto niya at kung sino ang mahal niya. Sumagot siya agad ng “ikaw ang mahal ko, wala nang iba at kung may mga problema o gusot sa relasyon natin, ayusin natin nang magkasama.”

    Bago pa lang kami pero mahal ko siya at masaya kami. Ano ang gagawin ko? Salamat DJ Chloe.

    Miss V

    Hi Miss V!

    Alam mo kahit kelan ‘di masarap pag-usapan ang mga “ ex” J That is one topic every couple should avoid talking about or even ask each other about.

    Although minsan masarap silang pag-usapan hahahaha. But seriously, you should stop talking about your exes if you both want a peaceful relationship.

    Talking about your exes is a major turn off in a relationship. There is a big difference between someone letting you know about his or her past and having that person expect for you to live in that past. Minsan nasisira ang isang potentially awesome relationship dahil lang sa mga topic ng “ex”.

    May you learn your lesson well. It’s not good to encourage your partner to talk about his or her ex. So if you’re not comfortable about it, tell your partner na ‘di mo feel pag-usapan dahil mas importante ang sa “ngayon”.

    Now, you feel he needs to “think” and find out kung sino talaga ang mahal niya? Sinabi niya na sayo ‘di ba? Ikaw. So kung magdadrama ka pa, ikaw na ang may problema. If I were you, let it go and YOU SHOULD MOVE ON FROM HIS FIRST LOVE because it seems na ikaw ang ‘di maka move on sa first love niya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.