CHLOE'S INBOX
You are hurting because you are allowing
May 13, 2019
-


Hi DJ Chloe,
I need to hear from you po about sa situation ko. Please hide my identity. Call me Maj na lang po. Sa totoo lang ‘di ko alam kung paano sisimulan or ieexplain ‘yung situation. Pero ganito na lang, I had a partner po seven (7) years na po kami. Si partner ay may kinakasama pa nu’ng naging kami. At isa pa lang ang anak nila n’un. At ako naman po ay may anak din sa ex-boyfriend ko na ‘di ako pinanagutan. 2012 po nu’ng maging kami ni partner. Elementary batch mates kami. At bago po kami magkaanak ng ex ko nu’n, nagkita po ulit kami pero ‘di naging kami nu’n dahil mas pinili ko manatili kay ex nu’ng panahon na ‘yun. Gusto namin ang isa’t-isa noon pa man. Kaya lang maraming pangyayari. 2012 nga po ‘yun, naging kami, aware ako sa situation ni partner pero pinursue niya ako, eh marupok ako, sorry, kaya napapayag akong maging kami kahit may kinakasama pa siya. Pero nagkaroon kami ng kasunduan, humiling siya sa akin na hintayin ko siya ng 10 years. Gusto niya raw kasi makasama habang lumalaki ‘yung nag-iisa pa lang niyang anak noon na apat (4) na taon pa lang. Sabi ko bakit naman matagal? Gawin naming five (5) years. Sabi niya seven (7) years. Kahit matagal pumayag ako, mahal na mahal ko talaga siya. At ‘di ko alam bakit hulog na hulog at baliw na baliw ako sa partner ko. So ayun nga po seven (7) years ang hihintayin ko at magkakasama na kami. Seven (7) years na po, DJ Chloe, ngayon. At bago po ‘yan marami pang pangyayaring naganap. Si partner, tinago niya ako pero may ilang nakakaalam ng relasyon namin. Isa na ‘yung nanay niya, mga tiyahin, kapatid, ilang pinsan, kaibigan. ‘Yung kinakasama niya ‘di alam until 2015 nabuko ni girl si partner dahil sa nakitang picture ko sa wallet niya. And year before 2015 nasundan po ‘yung panganay niya. Nalaman ko po ‘yun at nakipaghiwalay ako pero ‘di siya pumayag. Patawarin ko raw po sya kasi ‘di niya naman daw po intensyon na mabuntis ‘yun. At marami pa siyang paliwanag para maging kami ulit. To cut the story short, naniwala ako sa kanya at kami na naman ulit. 2013 ‘yun pangalawang anak. Then 2014 meron na naman kasunod. Naging tatlo (3) na anak nila. Galit na galit ako sa kanya nu’ng siya na mismo ‘yung nagtapat sa akin nun. Gaya ng mga paliwanag niya ‘di niya na naman sinasadya. Nakipaghiwalay na naman ako pero ayaw niya pa rin pumayag. Umiwas ako. Mga ilang weeks din na ‘di ko sinasagot mga tawag niya at ‘di ko nire-replyan mga text niya. Until, nagtext at tumawag siya, nakikipagkita. Sabi niya last na raw ‘yun, siputin ko raw siya para makapag-usap kami. Ako naman, nakipagkita. At naging marupok na naman. Naging kami ulit, hays. Nagpatuloy kami hanggang sa usapan naming seven (7) years. Then, 2018 ng May din, si girl na kinakasama niya nagpunta sa bahay namin para alamin kung ano ba talaga kami ng tatay ng mga anak niya. Sister ko nakausap ni girl. Ang sabi ng kapatid ko kay girl, nagpupunta sa amin ang partner ko. Parang malinaw na nga sa kanya na kami pa rin. Nagkagulo nun, DJ Chloe. Dumating ‘yung point na pinapili ni girl si partner kung sino ang pipiliin sa amin. Ako ang pinili ni partner kaya nga po 2018 pa lang nagsasasama na kami sa bahay. Sabi ni partner nun, uuwi raw muna siya sa mga anak niya at para makapag-ayos na rin kasi hinahabol ni girl ‘yung sustento ng mga anak nila, which is ‘di naman namin pinagkakait ‘yun sa mga bata. Alam ko ang pakiramdam ng ‘di nasusuportahan ang anak dahil ‘yung ex ko never nagsupport sa anak ko kahit kailan. So ayun na nga po, nu’ng kasama ko na si partner sa bahay lagi pa rin siyang tinetext nu’ng ex niya. Sabi niya wala na sila simula nu’n kasi iniskandalo kami nu’ng girl e. Hinayaan ko magpunta dun sa mga anak niya partner ko para linawin niya sa lahat dun ‘yung sa amin at mga anak na lang ‘yung inuuwian niya dun. Sinabi sa akin ni partner na wala na nga raw sila nu’ng nanay ng mga anak niya, na uuwi lang siya dun para sa mga anak niya dahil siya ‘yung nagsu-support sa lahat ng needs ng mga bata. Nagpupunta na lang siya sa bahay namin pero ‘di kami laging magkasama. Sabi ng partner ko magtiwala lang raw ako sa kanya dahil ako talaga ‘yung mahal niya at ‘di nya na mahal ‘yung isa. Naniwala naman ako. Until itong year na ‘to na kaka-seven (7) years lang namin, nakita kami nu’ng girl na magkasama, ihahatid kasi ako sa work. Nagkagulo na naman, pinapili na naman siya nu’ng girl, wala raw siyang pipiliin. Biglang parehas daw kaming mahal niya. Sabi ko kay partner, siya na lang piliin mo para magtapos na tayo. Ayaw niya naman. Sabi ni girl, payag daw siyang dalawa kami sa buhay ni partner at sabi ko ‘di ako papayag. Kailangan isa lang sa amin ang piliin niya. Wala siyang pinili pero sumama siya sa akin hanggang trabaho ko at umuwi kami sa bahay namin. Two (2) days siyang ‘di nagpakita dun sa bahay kung saan nandun mga anak niya. Si girl, ‘di tumigil. Hinanap niya kami at gusto niya makipag-usap si partner sa kanila tungkol sa mga bata. Hinayaan ko na magpunta siya dun, ang usapan namin at sinabi niya sa akin, para raw matapos na at maayos na. Babalik siya sa akin. Alas-nuebe ng gabi nu’ng magpunta siya dun sabi niya mga 11pm or 12mn uuwi na siya sa akin at babalik. Dala niya cellphone ko. Tinatawagan ko siya at tinetext nu’ng 11pm na hanggang sa ngayon tinatawagan ko pa rin sya, pero naka-off ‘yung cellphone. Unang tumawag ako 11pm nagriring pa at ‘di niya sinasagot after nun wala na. Sabi niya sa akin sasabihin niya sa akin ang lahat ng napag-usapan nila. Sabi nya sa akin magtiwala lang ako sa kanya na aayusin niya lang ‘yung sa sustento niya sa mga anak niya. Sabi niya babalik siya. Pero hanggang nagyon 2:41am na wala pa sya. DJ Chloe, please I wanna hear from you. Ngayon DJ, hinihintay ko siya at umaasa ako sa pangako niya. Sana matulungan niyo po ako. Salamat po sa pakikinig.
Hi Maj,
Anong meron sa kanya at humaling na humaling ka?
You know what, having a relationship with him when in fact he is still with someone else at ginawa ka na niyang other woman, with your consent, is already despicable. I am sure your parents did not raise you and sent you to school just to be devalued by this person. Words are no longer enough to convince you, in fact it’s not needed anymore, to convince you leave him and your situation. May kinakasama, may anak, nasundan ng isa, dalawa, ngayon tatlo na, ano ‘yun? Lahat aksidente? Tulog siya? And you believe him na hindi niya ‘yun ginusto? So lahat ng anak niya aksidenteng nabuo? COME ON! Bakit mo siya hahayaang mamili kung sino ang pipillin niya sa inyong dalawa? Bakit ‘di na lang ikaw ang pumili ng tahimik at maayos na buhay? ‘Yung wala siya at kayo lang ng anak mo para once and for all eh masimulan mo nang ayusin ang buhay mo? The guy has made up his mind, he has chosen the other woman and not you, over and over again by having three (3) kids with her. What do you not understand in your situation? Tawag ka ng tawag, medaling-araw na wala ang sagot? ‘Di mo ba naiisip na baka working on the 4th child sila, na naman? You are with a chronic liar and you allow this person to enjoy the best of both worlds by letting him enjoy having two (2) women to sleep with whenever he wants it. End your suffering, end your stupidity, sorry. Seven (7) years is enough, Maj. There is so much more to life than staying in a sick, toxic relationship.
-
COMMENTS















