You Can Never Fix Other People's Marriage While You're A Mistress
X

CHLOE'S INBOX

You Can Never Fix Other People’s Marriage While You’re A Mistress

May 16, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - YOU CAN NEVER FIX OTHER PEOPLE'S MARRIAGE WHILE YOU'RE A MISTRESS

    Dear DJ Chloe,

    Just call me Jenny.

    Gusto ko lang po humingi ng payo sa problema ko. May boyfriend po ako, nagkakilala kami thru Facebook. Nasa Saudi siya at dito po ako sa Hong Kong. First, pakilala niya hiwalay siya sa asawa at may dalawang anak. Ako naman po ay dalagang ina. Nagkapalagayan po kami ng loob at hanggang sa naging kami thru chat. After six months magbabakasyon daw siya sa Pinas nu’ng 2014. Sabi niya para patunayan na mahal niya ako pupuntahan niya ako dito sa Hong Kong. Nagkita po kami at nagkasama kahit ilang days lang siya dito. Nangako siya na walang iwanan at walang magbabago kahit pa malayo kami sa isa’t-isa. Pagbalik niya ng Pinas heto na ang problema, nanggulo ang misis niya sa lahat ng friends ko sa Facebook. Nagsend siya ng messge with picture and caption na ang “kabit at original.” I found out na ‘yung boyfriend ko hindi pa pala talaga hiwalay kay misis.

    I tried letting him go. Lahat ginawa ko.

    But one day he sent me a message trying to win me back and asking for forgiveness. Hindi na daw kasi siya masaya sa wife niya at hindi na talaga sila magkasundo. Para sa mga bata na lang kaya sila nagsasama. Babalik siya ng Saudi at gusto niya na magkaayos kami at bigyan ko siya ng chance. Kung ‘di ko daw siya patatawarin mabuti pang sa Pinas na lang siya. Sa sobrang awa ko sa kanya dahil may kolehiyo siyang anak inisip ko na kung sa akin siya humuhugot ng inspirasyon at lakas, why not give him a chance para sa mga anak niya. Nagcontinue kami sa relasyong LDR. Marami akong naging sakripisyo sa relasyon namin ‘pag may away sila ng asawa niya thru chat. Lagi ko siyang pinapayuhan, tagasalo ng bugnot niya, at tagapayo niya, nagpupuyat pag bumibiyahe siya kasi kailangan niya ng kausap para ‘di siya makatulog sa daan. Lagi niyang sinasabi na kung ‘di daw dahil sa akin ‘di na siya tatagal doon. Kasi ang hirap nga naman talaga ng work nila. ‘Wag ko daw siya iiwan dahil mahal na mahal niya ako. Ngayong January bakasyon siya ulit ng Pinas. So akala ko DJ Chloe, hanggang dun na lang lahat kasi babalik na siya sa pamilya niya since ‘di na siya babalik ng Saudi. Kasi exit na siya. ‘Di pa rin siya tumigil sa katatawag at chat sa akin. Naulit ang pang-aaway ng misis niya. This time inamin ni boyfriend na kami pa rin at nagwala si misis. Same story ginawa niya lahat para i-message ko siya. Pinapili ni misis kung ako o sila pinili nya ako, DJ.

    Hindi po ako natuwa sa ginawa niya kasi ayoko po na makasira ng pamilya kahit pa po hindi perfect ang pagsasama nila. Kinausap ako ng misis niya kung bakit ‘di ako kayang iwan ng asawa niya. Sabi niya ‘di naman daw ako maganda at ‘di naman daw ako magaling sa kama. Sabi ko, “ask your husband”. Nagtapat ang asawa niya na kung ano ang naging papel ko sa buhay niya nu’ng nasa Saudi siya. Umiyak sa akin si misis, inamin niya na wala na daw siyang gana kausap asawa niya. Sa tuwing sahod na lang siya nagpaparamdam at mag-usap man sila puro sumbatan at away lang. Pag may internet siya, sadya niya daw pinapatay ang cellphone niya, sabi nya. Marami daw siyang pag kukulang na napunuan ko nu’ng time na kailangan siya ng asawa niya. Hindi na raw sila talaga magkakaayos kasi wala ng respect at trust kasi marami ng nagawang kalokohan si boyfriend nu’ng ‘di pa kami nagkakakilala. Pinilit ko, DJ, na magkasundo sila. Ginawa ko ang lahat para ibalik ‘yung dati nilang samahan. At first, mahirap pero sa araw-araw na payo at pakiusap nagkasundo sila pero ang pakiusap ni boyfriend kay misis ‘wag akong mawawala sa buhay nila kasi marami daw akong nagawa sa kanya at marami akong nabago sa buhay niya. So kahit alam niya na masakit kay misis tinanggap niya ang pakiusap ni boyfriend. She made friends with me telling everything ng pinagdaanan niya kay boyfriend. Ako naman payo lang tulad ng sinasabi ko kay boyfriend na ‘wag bibitaw para sa mga anak at para narin sa kanila. So inamin sa akin ni misis na mahal pa rin pala niya si boyfried kahit pa dami na nilang away at kahit ano pa. ‘Di pa rin pala daw niya kayang iwan. Pakiusap rin niya na ‘wag ko daw iwan si boyfriend dahil malaki daw pinagbago niya since last time na nagbakasyon siya hanggang ngayon na for good na siya sa Pinas. Lagi pa rin nagme-message at chat si boyfriend sa akin at pati na rin si misis. Although, may hint na nasasaktan pa rin si misis every time na tatawag sa akin si boyfriend. Kaya sabi ko try mo na ‘wag niya makita mga messages natin at tumawag ka na lang pagfree ka. Kahit pa sinasabi ni misis na mas panatag siya na ako ka-chat ni boyfriend, DJ, masakit sa part niya na bakit daw sa akin nakikinig si boyfriend at napagbago ko siya. Samantalang siya na asawa ‘di niya magawa. Minsan nakausap ko biyenan niya, sabi niya may attitude si misis, na nagger, taklesa at kung ano-ano pa. Pero never naman nila inisip na magkahiwaly sila mag-asawa. Sa ngayon DJ, ginagawa ko naman lahat para ‘wag sila mag-away. Kasi ayos naman daw pagsasama nila. ‘Di na rin bugnutin si misis at ‘di na puro hinala at ‘di na rin nananakit. DJ, alam ko naman na nagseselos pa rin siya sa akin. Kasi sinabi niya na tanggap niya akong ka-chat ni mister. Nandun pa rin ‘yung lagi siyang nagme-message na, “uy, tagal yata ng usapan niyo. Ano sabi niya?” Dami pa rin niyang tanong. Ayoko sanang sagutin ang mga tanong niya para ‘wag na siya masaktan pero sabi niya na honesty lang para daw okay kaming lahat. DJ, ‘di ko alam kung tama pa bang maghold on ako sa kanilang dalawa kasi on my part kasi pagbinitawan ko si boyfriend baka bumalik siya sa walang direksyon na buhay. ‘Yun kasi ang lagi niyang sinasabi at sa misis naman niya ‘di ko alam kung kumukuha lang ba ng impormasyon o totoong pakikipagkaibigan ang gusto niya. DJ, sa ngayon wala po akong balak pang magbakasyon hanggang ‘di nakakatapos ang mga anak ko. So hanggang chat lang talaga kami ni boyfriend. I really appreciate your advice, DJ. ‘Di ko nga alam kung pagmamahal pa ba o awa na lang nararamdaman ko kay boyfriend. Thanks in advance. Sana mapayuhan mo ako.

    Nandoon pa ‘yung mag messages sa akin ni misis na “sana noon pa kayo nagkakilala ng asawa ko kasi ikaw kaya mong sakyan ang kapraningan ng asawa ko, mga kabugnutan niya. Pakiuap ko, ‘wag mo siya iiwan at sana lagi kang nandyan para sa kanya kasi mas masaya pa ako pag ikaw ang nakatuluyan niya.” Bakit daw ang bait-bait ko sa kanya samantalang ginawa niya ang lahat para sirain ako sa pamilya at mga friends ko. ‘Yun lagi niyang sinasabi, DJ. ‘Di ko naman sinadyang mahalin ang asawa niya pero bumabawi naman po ako na magkaayos sila. ‘Di po ako nagpapaka ipokrita pero ‘yun po ang laman ng puso ko kung nasaktan ko man siya pilit ko pa rin binubuo ang pagsasama nila. Salamat po, DJ.

    Dear Jenny,

    ANO? Pilit mong binubuo ang pagsasama nila? Paano? Sa pagiging kabit? Wala kang mabubuo kasi ikaw ang nangwawasak! Sa hinaba-haba ng sulat mo the only thing I can say is you have a delusion of grandeur thinking that you are the only one who can put them together and the only solution to their problem by sticking it out with the guy. When what you should be doing is to walk away and disappear!

    How do you expect this couple to fix their broken lives when you are there? Regardless if you’re not with him physically. The mere fact you are the guy’s security blanket is enough to ruin them. Pustahan tayo, nagbibigay ka ng pera diyan, ano? Come on! Lumang tugtugin na ‘yan! Some men are mellow dramatic. They will come up with a lot of stories making them the victim so they can suck you up with whatever need they have from you…some, ok? Not all. Baka may magalit na naman diyan.

    “‘Di ko naman sinadyang mahalin ang asawa niya pero bumabawi naman po ako na magkaayos sila.” This is the crappiest line I’ve ever heard for this year! Walang mag-asawang maaayos hanggang may third party na involve! So stop partying with them and leave them alone for your own good and for you own peace of mind!

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.