You Gotta Help Yourself
X

CHLOE'S INBOX

You Gotta Help Yourself

March 14, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---YOU-GOTTA-HELP-YOURSELF

     

    Hi DJ Chloe,

    Good morning! Just call me Age.

    Alam mo may problema ako ngayon, dumadating pala sa buhay ng isang tao ang nag-iisip ng kung ano-ano. Like me, I’m still single you know that, ‘di ba? Kasi naiisip ko pano na ako s’yempre tumatanda na ako wala akong asawa’t anak. Naiisip ko tuloy paano ako sa pagtanda ko ako na lang mag-isa. Second, naiisip ko din buti pa sila mga bata pa sila marami silang opportunity sa buhay unlike na isang my edad na na-iignore na ng ibang tao. Minsan nga alam mo, DJ Chloe, nadulas ako sa hagdanan ng isang mall, wala man lang umalalay sakin, as in. Ibang-iba noong kabataan ko na may tumutulong pag may ganu’ng incident. Tapos sa isang fast food nga nanghingi ako ng service water sa isang crew, aba, inabutan na ng kalahating oras wala pa ang hinihingi ko samantalang ‘yung malapit sa aming table panay ang bigay nila kasi mas bata sila at babae, hayzz. Ano kaya ang nangyayari sa’kin, DJ Chloe? Masyado na ba akong nagiging sensitive dahil nagkakaedad na? Nako, ayaw ko maging ganun sa totoo lang, please help me and give me some advice. Thank you, DJ Chloe and more power to your show.

    Naku Age,

    ‘Yan na nga ang mga sintomas ng mga senior moments, nagiging sensitive.

    Minsan ang sobrang pag-iisip ng kung ano-ano eh nakakasama. Instead of focusing on what you don’t have or your age, why not do something that will give you life?

    Engage in charity works, you can do it alone if you want to. And you don’t have to even post it on social media.

    There are people out there who needs help, start helping  and start living.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.