CHLOE'S INBOX
You Have The Gold, You Have The Say
October 6, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Please hide my identity.
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na isa ako sa magme-message sayo.Nakikinig lang ako sa mga payo mo sa iba’t-ibang nagpapadala ng message sa’yo. Pero gusto ko lang itanong. Tama ba na magstay pa ako sa isang relsyon na lagi na lang akong nsasaktan? 14 years na kasi kaming kasal. At nasa edad na ‘ko na nag-uumpisa ng lumbas ang mga puti sa buhok ko. Siguro dahil na rin sa stress kakaisip kung ano ang tama at dapat kong gawin.
Maayos naman ang husband ko, good provider naman siya. May tatlo kaming anak pero halos malilit pa dahil late na kami naghabol. Full-time mom ako ngayon at tumigil na sa trabaho para tutukan ang pag-aalaga ko sa pamilya ko. Kahit na kumikita naman ako kahit papano ng ayos kada buwan dahil sa Manila at opisina ang pinapasukan ko.
Pero bakit ganoon? Sa ilang taon na pagtgil ko ng trabaho. Tuwing nag-aaway kami ng husband ko grabe niya ako sumbatan to the point na sabihan niya ‘ko na palamunin niya lang kami ng mga anak niya kaya wala akong right sumagot at magtaas ng boses sa tuwing nag-aaway kami.
Tahimik na tao lang ako. Ginagawa ‘ko ang best ko. Wala siyang masasabi pagdating sa gawaing bahay at pag-aasikaso sa mga anak namin. Pero bakit kung kelan matagal na ang pinagsamahan namin saka naman lumalabo na ang lahat. Matagal ko ng gustong iwanan ang asawa ko. Pero dahil may seven months old pa akong baby hindi ko pa magawa. Nasa probinsya ang mga magulang ko. At hindi kami talaga nakakapagusap dahil alam kong mahirap ang stado nila ngayon at ayokong makadagdag pa doon.
Ang alam ko lang, nasasaktan na ‘ko. Minsan na rin niya akong nasaktan. Pero hindi pa nauulit ‘yun dahil binalaan ko siya na hindi niya magugustuhan ang gagawin ko.
Naging mailap siya pagdating sa mga personal na gamit niya. Simula nang mahuli ko siya nun dati na may kasamang kumakain sa labas. Pinagplanuhan ko na sundan siya nun para matiyak na tama ang hinala ko. Pero hanggang ngayon todo deny parin siya sa issue na wala daw. Sa loob ng 14 years na pagsasama naming sobrang mahal na mahal ko siya pati ang mga anak ko. At first love ko siya. Pero sa tuwing nakikita kong wala ng spark sa relationship namin hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit sa kanya. Lalo pa’t sa Manila siya nagtratrabaho. Pagkatapos ng away umaakto siyang walang nangyari. Nagbago na siya. Hindi ko alam kung tamang hinala lang ba ako. Pero sa tuwing nakikita ko na lumalala siya mas napapaisip ako. Malimit kong nahuhuli na nahihilig siya manood ng porn. At ‘yung dalawang katrabho niya na babae na sinabi kong mahilig makipagfirt sa kanya sa tingin ko hindi niya parin iniiwasan. Mas malimit din siya sa byenan ko tumatambay pag araw ng day-off niya. Aware sila na may mga matindi kaming pag-aaway. Mabait ang mga biyenan ko. Pero ang feeling ko kontrolado sila ng anak nila dahil dalawa lang silang anak at babae pa ang panganay. Naguguluhan na ‘ko. Nanalangin kung pwede lang sana na may pera akong hawak at lumaki na ng kaunti ang mga bata para ng sa ganoon madali lang sa’kin ang umalis. Ano po ba ang dapt kong gawin? Sobrang na-stress ako ngayon. Thanks and God bless.
Ms. Stress
Hi, Ms. Stress!
Ano nga ba dapat mong gawin? Alam mo sa mga ganitong problema ako hirap na hirap magbigay ng payo, kasi dito lumalabas ang tunay na persona ko. Someone who will never be enduring, someone who will always walk away when I’m not being treated right. I am not saying you do the same. Iba-iba naman kasi tayo ng pananaw sa buhay at kalagayan. May mga matiisin, may mga walang choice, may tanga-tangahan lang. So probably by now naiitindihan mo na that everything that happens to us, we brought it upon ourselves. Okay naman sana ang may asawa, kung ang asawa mo ay matino at naiintidhan ang sitwasyon niyo na siya muna ang provider at ikaw naman ang magpapalaki sa mga anak niyo, ‘di ba? Paano ba kayo nag ka anak agad ng sunod-sunod at late pa? Dahil may edad na kayo, naghabol na kayo? Kids can strain marriages you know. Napakahirap maging magulang, and at this point dahil parehas kayong matanda lang pero immature eh in danger ang mga anak niyo. Lumalaki silang stressful ang sitwasyon dahil may mga magulang silang hindi alam ang sitwasyon na pinasukan nila.
So ano nga ba ang dapat mong gawin? Sa ngayon, wala kundi magtiis. Wala kang work. May sanggol ka at ang mga magulang mo ay hindi mo rin matatakbuhan dahil sabi mo nga mahirap estado nila ngayon. So magtitiis kang palakihin ang mga anak mo sa panunumbat ng asawa mo pansamantala at sa mga ginagawa niya sa’yo, at higit sa lahat SIKAPIN MONG WAG NG MADAGDAGAN PA ANG MGA ANAK MO. Dahil ikaw din lang nahihirapan mag-alaga. Hindi lang pag-aalaga at pagapapalaki ang obligasyon natin sa mga anak natin. Paglumalaki na sila dun mo masasabi ang mga salitang “NAPAKAHIRAP PALANG MAGING MAGULANG.” Ganun talaga ,ma’am. HE NOW HAS THE GOLD HAS THE VOICE. Ang asawa mo ang bread-winner ngayon at de malas lang na ang tingin niya sa ginagawa niya para sa inyo eh isang malaking utang na loob niyo. For now, wala kang magagawa, but just be a mother. You can also try to do online business kung kaya mo or maghanap na rin ng trabaho at maghanap ng yaya para sa mga bata. Pero sa klase ng asawa mo delikado kahit yaya. ‘Di ko talaga alam. Ako kasi isa lang ang alam kong paraan palagi. FIGHT OR FLIGHT. Palagai akong FLIGHT.


-
COMMENTS














