CHLOE'S INBOX
You Have To Make That One Decision
February 21, 2018
-


Hi po, DJ Chloe!
I really admire you po when I read your good advice to your followers. Sana po mabigyan niyo po ako ng good advice sa problema ko.
May boyfriend po ako at 10 months na po ang relationship namin. From the start, alam ko pong walang patutunguhan ang relasyon namin dahil hindi po ako gusto ng magulang niya para sa kanya. Kinausap ko po siya na, “It’s better kung maghiwalay na tayo” pero ayaw po niya. Ngayon po, may girl po na inirereto para sa kanya. Pagkatapos ko pong malaman ‘to, gusto ko na po siyang iwan, DJ Chloe. Kasi hindi po kami magiging masaya kung ayaw ng magulang niya sa’kin. Ayaw pa rin po niyang pumayag na maghiwalay kami. Kahit daw po na magpakasal siya dun sa girl, he still wants me in his life. Sabi ko naman po, “hindi pwede ‘yung sinasabi mo.” Obviously pagsumama at nagpakasal na sa kanya, tapos na tayo. DJ Chloe, hindi ko po alam kung ano ng gagawin ko. Gusto ko po siyang iwan na pero hindi po niya binibitawan ang kamay ko. Please I need your advice.
Thanks a lot po and God bless you po.
Lyn
Hi Lyn,
Anong klase naman ang gusto niya? Gawin kang kabit?
If he can’t make a decision then you better start making your own decision for your own sake.
Mahirap sa lalaki ang walang desisyon. Obviously, he wants to be a good son by following his parents wish na magpakasal siya sa nirereto sa kanya. So let him be.
Hindi ako naniniwala na wala kang magagawa kung ayaw nyang bumitaw, unless, ayaw mo rin?


-
COMMENTS














