CHLOE'S INBOX
You Just Have To Pray About It
January 24, 2018
-


Dear DJ Chloe,
I know nagmessage na po ako sa inyo before and I know you’re not into that kind of problem, hehe. But thanks po. This time, itong ihihingi ko po sa’yo ng advice is not totally about me kundi sa tita ko. Just call me John po. She’s married and has three children, 30 na panganay nila pero hiwalay sila ng asawa niya matagal na nakipaghiwalay yung tita ko dahil sa sabongero.
‘Yung asawa niya may kinakasama na ring iba at may anak na din ngayon. She’s kind of rebel din after she got separated with her ex-husband. Kung sino-sinong lalake nakarelasyon. Nagpatattoo and everything, in fact sa lugar namin kilala siyang notorious na manginginom at wasalak kumbaga but through the years, gradually naalis niya ‘yung attitude na ganun until umuwi sa kanya ang mga anak niya. At ngayon magkakasama na sila at ‘yung tatay nila naiwan sa dating bahay nila kasama ang babae niya. Ngayon po may kinasakasama siyang sundalo na may asawa din sa Pangasinan at may mga anak. Last year, we’ve been very active sa church. All I thought mae-enlighten na si tita sa maling relasyon na meron siya at palalayasin na ‘yung sundalo sa bahay nila pero hindi. November 2016 nakipaghiwalay na siya dahil ginugulo si tita ng babae daw ng sundalo. Let’s clarify, DJ Chloe, maliban sa isang ‘to may isang babae pa na nanggugulo sa kanya kasi naanakan daw siya ng sundalo. So nagdecide si tita na makipaghiwalay. In fact, nakausap ko pa ‘yung babae sa phone at inaaway ang tita ko. Nagpanggap akong anak at nagsinungaling ako para sa tita ko. After that pinagtatapon ni tita mga damit ng lalake sa labas ng bahay nila. Todo iyak ang sundalo at nagmukhang stalker ng tita ko.
Akala ko noon okay na pero December 2016 nabalitaan ko umuwi na ‘yung sundalo sa kanila at nagsasama ulit sila. Hindi na ako umimik kasi alam niyang magagalit ako at hinayaan ko na lang din. Ngayon pareho silang active sa church at nagsasama pa rin. This coming March magre-relocate na daw dito sa Palawan ang pamilya ng sundalo. Ang sabi ng tita ko from the start alam daw ng asawa ng sundalo na nasa Pangasinan na nagsasama sila dito hindi ko alam kung gaano katotoo at kung totoo man, ambot na lang sa kanila. Ano po sa tingin niyo, DJ Chloe? Hinahayaan din sila ng mga anak niya. May anak siyang gay at may kinakasama ding guy sa bahay nila. Hindi ko alam kung may konek pa sa istorya pero it seems like, like mother like son. 47 years old na ang tita ko at well maganda naman po siya at sexy hanggang ngayon. I know it’s none of my business anymore pero tumatanda na kasi ang tita ko. Lagi din siyang nagbabasa sa page nyo dahil in-introduce ko page niyo sa kanya at sana magising na siya this time sa inyo.
Ps. Married ‘yung sundalo sa asawa niya sa Pangasinan.
Mr. Q
Hi, Mr Q!!
Your tita is blessed to have a nephew like you.
Nakakafrustrate, ‘di ba? When we get to watch those people we love, ruin their lives. Pero kasi alam mo, choice niya ‘yan eh. And no amount of talk can convince her to do the right thing, if she will ever do the right thing. Para kasi sa kanya, tama ang ginagawa niya kasi siguro, masaya siya. J
Wala naman akong maaadvice para sa kanya kasi ‘di naman siya humihingi ng advice. Sa’yo meron. Hayaan mo na lang siya. ‘Wag ka na lang magkulang sa paalala at syempre, bilang tiyahin mo, eh nandyan ka pa rin for her family.
We cannot judge her, she has her own reasons for being in that situation, and for choosing to stay in that situation.
Sabi mo nga active kayo sa church, so keep praying. Pray until something happens. ?


-
COMMENTS














