You Just Lost Yourself Because Of Love
X

CHLOE'S INBOX

You Just Lost Yourself Because Of Love

September 4, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DON'T-FORGET-THE-KIDS

    Hi DJ Chloe,

    I need some advice. Hope you can enlighten me at ng medyo mawala ‘yung sama ng loob ko.

    I’m married for four years with two kids and currently pregnant sa 3rd child ko.

    When my husband and I got married, the first year masaya pa. Nu’ng manganak ako sa first child ko dun na kami nagkagulo-gulo. Inaamin ko naging mainitin ang ulo ko. Lagi ko siyang inaaway. Hanggang sa ‘di ko nalaman na unti-unti na pala siyang nalululong sa drugs. Nabuntis ako sa 2nd child naming nu’ng nalaman ko at na-confirm ko na gumagamit na siya talaga. Hanggang sa hindi na siya umuuwi sa’min. Nanganak ako pero iniwan niya ‘ko sa ospital kinailangan ko pang tawagan ‘yung kapatid ko para tawagin siya at dalan ako ng pagkain. Hanggang lumabas ako ng ospital na ‘di kami okay. Isang taon kaming ‘di nagsama. Naisip kong ipasok siya sa rehab sa tulong ng mga kapatid ko. Six months siyang nasa rehab at nu’ng lumabas na siya kala ko tuluyan na siyang magbabago. Pero hindi pa rin talaga. May mga buwan na matino siya pero may mga buwan na grabe siya kung sigawan ako sa harap ng mga bata. Naiiyak ako kasi ‘yung mga anak ko natatakot na. Minsan minumura niya pa ‘yung mga bata (four years old and two years old). Wala siyang trabaho simula nu’ng nalulong siya sa droga. Ako lahat ng gastos. Give me some advice. Nahihirapan na po ako. Pagod na pagod ako. Ako na lahat ng gumagastos. Pati mga needs niya ako. Tapos uuwi ako, aawayin niya pa ‘ko. Sa tuwing nag-aaway kami ako daw ang dahilan kung bakit siya nagdroga at bakit siya bumalik sa pagddrugs. Gusto ko nang sumuko pero ‘di ko makalimutan ‘yung sinabi mo nun sa isa sa mga sumulat sa’yo na ang mga nanay ang talagang dapat magsakripisyo para sa ikaaayos ng pamilya. ‘Di ko na po alam.

    Regards,
    Sick and Tired Mom

    Hi Sick and Tired Mom,

    Four years pa lang, two kids and now pregnant again. You’re blaming yourself dahil sa palagi mo siyang inaaway kaya siya nalulong sa drugs? ‘Di kaya may bisyo na siya noon pa? ‘Di mo lang alam. O akala mo mapapagbago mo?

    It seems you are both to blame for what’s happening in your marriage. Ang mahirap nito, nandamay pa kayo ng tatlo. You brought kids in this world without even thinking if you both can be good parents to them, if you can provide for them! Ano ‘to after ng away niyo, gawa ng bata? ‘Yan daw usually ang mga mag-asawang grabe mag-away. Sunod-sunod ang mga anak.

    Yes, I said nasa ina talaga ang ikakabuti ng pamilya. Whether she is a mother and a wife or a SINGLE MOTHER. It depends on how enduring you are as a wife, you know. And if kung may patutunguhan ba ang pag-eendure mo. Eh ‘yang asawa mo ba nag-iisip man lang na ayusin ang sarili niya? If you have exhausted everything, pina-rehab mo na’t lahat, lulong pa rin balik mo sa nanay niya. Kung magulang niya ‘di sya napatino para maging mabuting asawa at ama, ikaw pa kaya?

    Alalahanin mo, you have three mouths to feed. May mga anak ka na sa’yo rin umaasa at kailangan mo ring proteksyunan sa danger na pwedeng naka-expose sila dahil may bisyo ang ama nila. Sakaling maisipan mong mag-solo para sa mga anak mo maiintindihan ka ng mga tao. Ang ‘di nila maiintindihan malamang ay ang humiwalay ka tapos may kasama ka na namang iba.

    Love should make you better, love should make you do better, and makes you want to be a better person.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.