CHLOE'S INBOX
You know what you have to do
March 4, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Ako nga pala si Yless ng Malate. Lagi po akong nakikinig sa show mo every lunch, 96.3 is my favorite radio station. Anyway, kaya naman ako nagmessage sa’yo, gusto ko lang talaga makarinig ng payo mula sa’yo at ito ang senario ng buhay ko…
May asawa at anak po ako . Ako ay isang nurse at maganda din po ang trabaho ng asawa ko ngunit sa ‘di inaasahan sa buhay mag-asawa may mga problema talagang dumarating, nagkaroon po ng affair ang husband ko for two (2) times but still I forgave him and accept him with all my heart just because ayaw ko mawalan ng ama ang anak ko. I stay until we are ok but until one day I accidentally meet my ex-boyfriend in mall so we talked at he invited me for dinner since friend ko siya pinagbigyan ko hangang sa lagi-lagi na kaming lumalabas at may nangyayari na nga na hindi na maganda. At unti-unting nahuhulog na ang loob namin sa isa’t-isa. Totoo may nangyari na sa amin, I cheated for long years at ako lang ang nakakaalam noon sa sarli ko. Ramdam ko na sobra niya pa rin akong love since na OFW siya, five (5) times a year lang kami nagkikita at sobrang pareho kami masaya sa isa’t-isa pag kami ay magkasama sabik ika nga. Pareho po kaming may family na I know na mali itong ginagawa namin pero ‘di ko alam papano namin iiwasan at tatapusin ang ganitong pakiramdam na happy ka pag kami ay magkasama. We both love each other, sobrang saya ko pagkasama ko siya. Gusto ko na din sana matapos na kaso hindi din namin napapag-usapan ‘yung mga bagay na ito. ‘Yung puputulin at tatapusin ang relasyon namin. Sana po tulungan niyo ako. Salamat sa pagbasa ng sulat kong ito.
Yless
Hi Yless,
Walang katapusan ‘yan pag wala talagang planong tapusin, unless one of you dies an early death at hindi na kayo nakapag-usap pa at natapos na lang sa ganun. Sorry, morbid. But seriously, we both know you KNOW what to do, you just don’t wanna do it…yet. And sorry ha, your husband’s shortcomings and womanizing won’t justify what you’re into and what you’re doing. So saang part kita tutulungan, sis? Pano itigil ‘yan? ‘Di mo kaya, hindi ko rin kayang gawin ‘yan para sa’yo. But do you believe in God? Because He is the only one who can really help you. Why don’t you start praying and asking God for enlightenment? Mahina tayo, Yless, that is why we need Him every day of our lives. As I’ve said, you know exactly what to do.
-
COMMENTS















