CHLOE'S INBOX
Young Love
June 8, 2017
-


Hi po, DJ Chloe!
Tawagin niyo na lang po akong Ms. Erable. 15 years old pa lang po ako at alam kong bata pa ko para masaktan dahil sa love. Hihingin ko lang po ‘yung advice niyo. Ganto po kasi ‘yun. May classmate/kaibigan po akong crush ko ‘hanggang ngayon. Pilot section kami nu’ng Grade 9 kami so ‘di maiiwasan ‘yung debate ‘pag dating sa honors. Super close namin kaya sa lahat ng bagay magkaramay kami. Naging third honor siya at ako fifth naman. Nitong Valentine’s, binigyan niya ‘ko ng favorites kong chocolates. Nagtapat siyang gusto niya ‘ko. Nito lang magbabakasyon, bigla siyang nag-iba. Wala na siyang time para magkausap kami at sabi niya ‘di na niya ‘ko kailangan. Nawalan kami ng connection in two months. Nasaktan ako dun, DJ. Pilit kong kinalimutan lahat ng pinagsamahan namin at ‘yung mga oras na masaya kami. ‘Yung tipong nagmo-move on ako pero walang naging kami? Tapos nagparamdam siya, chinat niya ko na miss niya na ‘ko. Nireplayan ko siya na, “okay, sige” then he asked me kung okay lang ako, kung namiss ko siya. Niloko ko ang sarili ko. Ang sabi ko sa kanya nakamove on na ko. Tama lang po ba ‘yung ginawa ko? Nasaktan kasi ako, DJ, pero umaasa siyang mababalik ‘yung closeness at friendship namin at more than friends pa ang ine-expect niya pero gusto ko na mag move-on. Ano pong gagawin ko?
Dagdag ko lang po, DJ Chloe. May gusto best friend ko sa kanya kaya pinaglalapit ko sila. Masakit man pero para maka move-on, ginagawa ko.
Hi Ms. Erable,
Anak, don’t be Mis Erable J. I mean, it’s normal for your age to have crushes and to like the opposite sex, everyone goes through that and that’s normal.
‘Yung mga boys sa ganyang edad niyo, medyo wala kang maaasahang backbone or maturity sa kanila, though ‘di naman siguro lahat pero pare-parehas kayong mga bata pa. Okay lang magka-crush, make them your inspiration, but I would discourage you into getting into something more than friends.
Una, it is distraction. Instead of you working on your PT’s, magkakaroon ka ng ibang concern. Your parents are expecting you to be fully committed sa pag-aaral mo, there is a perfect time for love, and the time is not now. Anak, hindi mura ang tuition fee, and allowance. I can say that because I have a child probably your age. Seryosohin mo ang pag-aaral mo.
Second, boys your age are adventurous, they also fall in love and have crushes, pero mas malakas pa hatak ng Dota, COC, BMX bike, barkada at kung ano-ano pa sa kanila.
Enjoy your youth, hija, act your age. Enjoy the upcoming proms, wear the best gowns for you proms, have fun with your friends. Enjoy and make yourself busy with school activities. ‘Yan ang priority mo. You will only be young and carefree once. Don’t be in a hurry.


-
COMMENTS














