Your Child First
X

CHLOE'S INBOX

Your Child First

October 3, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-your-children-first

    Dear DJ Chloe, just call me Marianne. I’m 27 years old and a single mom.

    I was once an OFW before I gave birth to my son. DJ Chloe, masakit man isipin pero ang tatay ng baby ko ay married na. But hindi niya po kami pinabayaan in terms of financial support. Nasa province po ako ngayon at nag-aalaga ng anak ko. Mag one year old na po ‘yung baby ko this October. Tanong ko lang po tama ba na iwanan ko muna ang anak ko sa parents ko para makapag trabaho na po ako sa abroad? Sa tuwing naiisip ko na iiwan ko ang anak ko nagi-guilty po talaga ako. Until now breast feeding pa rin ang baby ko. Wala pong araw na hindi kami magkasama kaya parang masakit po talaga if magkahiwalay po kami ng anak ko.

    Ngunit hindi ko din gusto na iasa ko na lang ang lahat ng gastusin ko sa tatay ng anak ko. Alam ko pong may pamilya na siya at dalawang anak. Masakit man isipin, DJ Chloe, mahal ko po siya kaso alam ko pong wala kaming future dalawa. Kaya din isa sa rason ko na gusto ko na pong bumalik abroad para makalimutan ko na din po siya ng tuluyan.

    DJ Chloe, gulong-gulo po talaga ang isip ko. Nabo-bother din po akong iwan ang anak ko sa parents ko dahil ayaw kong makarinig ng mga salitang “matanda na daw sila at babalik na naman sila sa pagbabantay ng bata.” Hindi ko din po gusto sa bahay namin kasi laging nagtatalo ang parents ko dahil sa pera. Nagpaparinig na po palagi ang nanay ko na kailangan na po raw siyang tulungan sa gastusin dahil may dalawa pa po akong kapatid na nag-aaral. Since wala po akong trabaho, minsan masakit na po talaga na isipin na wala akong silbi sa bahay namin. Naisip ko din, DJ Chloe, na dun muna kaya ang ang anak ko sa tatay niya kaso hindi pa po alam ng asawa ng tatay ng baby ko na may anak po siya sa labas. At if ever po makapag-ipon na po ako ng sapat na pera kukunin ko na po ang anak ko. Kaso alam kong mahihirapan na po siguro ako na bawiin ang anak ko sa kanila. Please, DJ Chloe I need your advice. Salamat po at God bless you po!

     

    Dear Marianne,

    May I just tell you na lahat ng suggestion mo or naiisipan mo eh mali.

    Una, you are breastfeeding. That is the best and the most economical way to feed your baby. I breastfed my kids that’s why I know. You don’t buy formula which happens t be very expensive, you don’t clean and sterilize bottles kaya ang oras mo tutok lang sa anak mo. Breast milk has everything your child needs. In fact, you don’t even have to give your baby water for as long as she is breastfed by you.

    The baby’s immune system is stronger, less of doctor’s expenses. Can you imagine forcing her to learn living on bottle? Because you went away? Kailangan ka ng anak mo dito. Pumirmi ka dito at tigilan mo munang isipin ang sarili mo.

    Second, you don’t need to go abroad para makalimutan ang ama. He will and always will be the father of your child. Pag-aralan mo nang alisin siya sa sistema mo nang hindi ka lumuluwas ng bansa.

    Third, why would you leave your child to the father na may pamilya pala? Who do you expect to take care of your baby? The WIFE? Nawawala ka na ba sa katinuan?  ‘Wag mong gawing teleserye ang buhay mo.

    Ganito ang dapat mong gawin, palakihin mo muna ang anak mo dahil he or she won’t be a baby for life. Take care of her, nurse her, and while staying in your parents’ house HELP in all ways you can. From doing the chores to trying to find ways and means na magkapera kahit nasa bahay ka lang.

    There are so many things you can do. Ako nga noon gumawa at nagtinda ng pulboron at yema eh! Maraming pwedeng gawin dito sa atin. ‘Di mo pa iiwan pamilya mo.

    Andyan na ‘yan. Nagkamali ka na. Whatever you hear from your parents pasok sa isang tenga at labas sa kabila. Tiiisin mo dahil ginusto mo ‘yan. At the end of the day, pamilya mo pa rin ang sasambot sa’yo.

    Take care of your child and let her or him grow up before deciding to go work abroad again.

    It’s a crazy world we live in. You’ll never know what’s going to happen next.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.