CHLOE'S INBOX
Your Choices Have Consequences
January 21, 2016
-


Hi DJ Chloe,
Nilakasan ko lang ang loob ko to ask for an advice ‘di ko sure kung dapat ko pa ito ipaalam sa iba pero, I think, I need to. Wala ako ibang outlet na mahihingan ng advice dahil sa nahihiya ako sa sitwasyon ko.
Hindi ko pa alam gagawin ko sa ngayon. I have been in a relationship with this guy for almost a year but sad to say po meron siyang girlfriend which is soon to be his wife. Yes po, DJ Chloe, malapit na ang kasal nila. I think, maybe next week, ayaw niya kasi sabihin sa’kin.
Nahihirapan po ako kung anong gagawin ko. Although, ako po gusto ko na siya palayain at hayaan sa bagong buhay niya dahil alam kong ‘yun ang tama. Kaya lang po hindi ko alam bakit ayaw niya ‘ko palayain. Meaning to say po gusto niya na nandito pa din ako sa kanya kahit na ikakasal na siya. Dahil mahal ko siya hindi ko po alam sa ngayon kung dapat ko na siya iwan. Kahit ayaw niya po na mawala ako hindi ko po siya matiis pero nagtatalo pa din ang pagmamahal ko sa konsensya ko na magulo ko silang dalawa.At alam ko po, DJ Chloe, na ako ‘yung nagpapagulo sa isip niya ngayon kaya parang hindi rin siya 100% happy sa desisyon niya. Alam ko po unfair sa magiging asawa niya kaya lang po kahit anong taboy gawin ko sa kanya ayaw niya pong umalis. Nahihirapan po ang kalooban ko kasi halo-halo na ‘yung nararamdaman ko sa ngayon. And today gusto niya po magkita kami at makapag-usap. ‘Di ko alam kung dapat pa ba kami magkita kasi baka po magbreakdown lang ako at mas mahirapan ako na gawin ‘yung dapat kong gawin. Ayaw ko din makita niya ko sa ganung sitwasyon at maawa din siya sa’kin.
I hope sa mabibigay mo na advice ay maliwanagan ako. Thank you, DJ Chloe.
Ms. Virgo
Dear Ms. Virgo,
Bakit ba ang hilig-hilig niyong magpasaya at magpafeeling pogi ng lalaki?
What do you get from this situation? From this set up?
- Heartache / heartbreak
- Loss of peace of mind.
- Guilt
- Temporary happiness which lasts only for 15 minutes when you’re together.
- Trouble waiting to happen.
- Unwanted pregnancy waiting to happen.
- Shame (for being the third party)
And so on and so forth. You are at the end of the rope just waiting to fall because you can’t hold on anymore.
And the guy? Extremely happy enjoying the best of both worlds. A girlfriend to marry and a willing and future kabit.
Yourself worth is already wasak. You feel frustrated, you’re on the brink of having a breakdown. So is this still love? Or madness?
Kahit talaga anong taboy gawin mo d’yan hindi ka niyan tatantanan. Tigilan mo, ikaw mismo, matatapos ‘yan!
Cheating started with you, it will end with you. Walang magiging kabit at lalaking mandaraya kung walang babaeng papayag na “option” lang siya.
Sincerely,
-
COMMENTS














