CHLOE'S INBOX
Your Role In Every Relationship
May 31, 2017
-


Good day, DJ Chloe.
It’s been two years since maging listener niyo po ako. ‘Yung mga panahon po na ‘yun ‘yun ‘yung mga panahon na down na down ako. My husband left us. I have two kids sa kanya. Sumama po siya sa mistress niya at hindi po siya nagpakita sa amin. Lahat po ng trials dinanas ko, there’s a time na kinailangan kong makipagcommunicate sa kanya. Some other legal action, lalo na po sa needs ng mga bata kahit super sakit sa akin. Pero ‘yung mistress niya ang nagreply sa text ko. ‘Wag ko daw po gamitin ang mga bata para bumalik sa akin ang asawa ko. Dahil isa sa mga pinagsisihan daw po ng asawa ko ang pagpapakasal sa akin at isa akong pagkakamali sa buhay niya. Mag-isa ko pong tinaguyod mga anak ko simula noon. Then inasikaso ko po ‘yung legal separation namin, never po siya humarap.
Now po, I met this guy and ramdam ko po na in love na din po ako ulit. Kasundo naman po niya mga anak ko at wala po akong nilihim sa kanya ganun din siya sa akin gaya ko hiwalay din siya sa asawa niya. Tama po bang ma-inlove na ako kahit ni minsan hindi ako hinarap ng ex ko. DJ Chloe, please, I need an advice.
Cristy
Hi Cristy!
Wala namang magbabawal sa’yo magmahal ulit, why not? You also deserve someone who will be there for you and who will never leave you.
I just hope and pray na sino man ang makilala mo, or God wills you to still find someone to be with, eh you make sure that it’s also for the best interest of your children.
Palaging dapat mauna ang kapakanan ng mga anak mo at sana talagang tanggap ng lalaki ang mga anak mo, hindi lang ikaw.
Kasi alam mo Cristy, although it’s hard to be single parent, it’s also hard to remarry and have kids.
Isipin mo, ipapakisama mo mga anak mo sa asawa mo, at ang asawa mo ipapakisama mo din sa mga anak mo.
So before getting yourself into another situation, make sure you’re ready for the challenge.
And make sure also na okay na rin ang problema mo sa ex mo, baka biglang bweltahan at baliktarin, you’ll never know.
-
COMMENTS














