CHLOE'S INBOX
If you’re in doubt don’t do it
January 16, 2019
-


Hi DJ Chloe,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang Celine, 23 years old may isang 4-year old na anak na babae at wala pong asawa. Hindi po ako pinanagutan ng ama ng aking anak. Honor student po ako noong ako po ay nag-aaral pa. Nakapagfirst year college po ako sa kursong tourism. Hanggang first sem lang ang natapos ko dahil nga po sa nabuntis ako. Bago rin po ako manganak ay nastroke ang aming papa dahilan ng pagtigil niya sa trabaho bilang factory worker. Sa ngayon po ay nagtatrabaho po ako sa isang sikat na clothing line. Ako na po ngayon ang nabuhay sa pamilya ko kasama ang anak ko sa sipag at tiyaga. Sa edad na 21 ay naging branch manager na po at may hawak na po ako ng higit 15 na empleyado. Hanggang sa makilala ko po si Sir Migs, 41 years old, isang businessman at hiwalay sa asawa. Lagi po siyang napunta at nabili sa store namin dahilan upang kami ay maging magkakilala. Hanggang hiningi niya ang number ko, niligawan at hanggang sinagot ko rin siya. Tanggap niya kami ng anak ko at tanggap rin naman siya ng pamilya ko lalo na ang nanay ko dahil deserve ko naman daw maging masaya. Nitong nakaraang November ay inalok niya ko na mag-aral muli para ipagpatuloy ang pangarap ko at siya na raw muna ang susustento sa pamilya ko hanggang mapagtapos niya ‘ko. Sinabi niya na kahit manager na daw ako, iba pa rin ang nakapagtapos ng kolehiyo. Tinanong niya ‘ko kung gusto ko ba na na ganun na lang ang maging buhay ko na tumanda sa trabaho ko ngayon. Aaminin ko gusto ko ulit mag-aral, hindi lang para sa akin pero para na rin sa anak ko. Napapaisip ako kung totoo ba talaga na willing siya na paaralin ako at sustentuhan ang pamilya ko o nasasabi lang niya ‘yun dahil mahal niya pa ‘ko sa ngayon. Pero DJ Chloe, natatakot po ako sumugal. Natatakot po ako na bitawan na lang ‘yung trabaho at posisyon ko na aking pinaghirapan. Ano pong gagawin ko? Sana po matulungan niyo ako. Thank you po and more power!
Hi Celine!
Mabuhay ka! Mukhang natuto ka sa pagkakadapa mo sa buhay, it doesn’t matter kung single mom ka. Ang importante hindi mo pinabayaan ang anak mo at bumangon ka sa pagkakamali mo at natuto ka. Okay naman ang offer ni Migs, mukhang in good faith naman, pero tama ka napakahirap sumugal. Pag nagsugal ka at hindi ka nanalo, pupulutin mo na naman ang sarili mo at maaring magsimula ka na naman sa uno. ‘Pag nanalo ka, eh di jackpot. Kaya lang pano pagtalo? Wala ng sasarap pa sa pakiramdam na self-sufficient ka at hindi ka umaasa sa ibang tao. Kung maganda ang hangarin niya sa’yo, tutulungan ka niyang makapag-aral without you sacrificing your career dahil kaya mong pagsabayin ‘yan. ‘Wag na ‘wag mong iaasa sa iba ang buhay mo, dear. Kahit maganda ang hangarin niya magtira ka ng konting duda. Kasi alam mo, ang career mo hindi ka iiwanan niyan. Ang lalaki pwede kang iwanan. Iasa mo lang ang buhay mo kay Cristo. God knows what we need, and His grace is sufficient. And most of all, pray unceasingly to Him who gives us the wisdom to determine what His will is for us.


-
COMMENTS














